^

PSN Showbiz

'Himala!': Assunta de Rossi 14 weeks 'preggy' sa unang baby

James Relativo - Philstar.com
'Himala!': Assunta de Rossi 14 weeks 'preggy' sa unang baby
Litrato ni Assunta de Rossi (kaliwa) kahapon, ika-4 ng Mayo at kuha nila ng asawang si Jules Ledesma (kanan).
Mula sa Instagram account nina Assunta de Rossi at Jules Ledesma

MANILA, Philippines — Halos dalawang buwan simula nang ianunsyo ang community quarantine, ibinahagi ng aktres na si Assunta de Rossi ang kanyang pagdadalang-tao sa unang anak nila ng pulitikong si Jules Ledesma.

Sa kanyang Instagram account, sinabi ng Filipina-Italian actress na ika-5 ng Marso pa niya nalamang buntis siya, matapos hindi datnan ng kanyang period.

"An ultrasound scan and blood test confirmed later that day that I was about 5 weeks pregnant. I know, shocking!"

Aniya, lubhang napakahirap daw mabuntis sa natural na pamamaraan lalo na't meron siyang sakit na myoma at endometriosis: "Only medical intervention or a miracle can make it happen. This was a "miracle!"

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Sammy Whammy (@assuntaledesma) on

Sabi pa niya, dalawang buwan na siyang nakakaranas ng pagkapagod, pagkahilo, pamamaga ng dibdib at pagiging pihikan sa pagkain.

Aniya, bago pa ideklara ang enhanced community quarantine (ECQ) ay lagi na lang daw siyang nakahiga sa kama at masama ang pakiramdam.

Mahigit tatlong taon na rin daw ang nakalilipas simula nang huling bumisita siya sa kanyang OB-GYN.

"Anyway, what scares me now is I’m already on my 14th week, and I haven’t gained an ounce of weight," sabi ni Assunta, na mahigit 17 taon nang kasal kay Jules.

Ika-14 ng Disyembre, 2002 nang mag-isang-dibdib sila ni Jules sa isang civil wedding, hanggang sa muling ikasal sa simbahan noong 2004.

Matagal nang hinihintay ng 2001 Metro Manila Film Festival best actress na maging ina, na aminadong uminon noon ng gamot dahil sa kahirapang makabuo ng bata.

vuukle comment

ASSUNTA DE ROSSI

JULES LEDESMA

PREGNANT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with