^

PSN Showbiz

Nadine talung-talo sa ginawang pakikipag-live-in kay James

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Nadine talung-talo sa ginawang pakikipag-live-in kay James
Nadine

Noon marami ang nagsasabing crush nila si Nadine Lustre. Ngayong split na sila ni James Reid, at hindi na rin sila magka-live-in, sino ang manliligaw kay Nadine?

Palagay namin may manliligaw pa rin naman kay Nadine. Maganda pa rin naman siya at sa panahong ito, bale wala na sa ibang lalaki kung ang magiging syota man nila ay may naka-live-in na.

Hindi kagaya noong araw na liligawan lamang ang isang babae kung siguradong “virgin” pa. Ngayon kahit na sabihin mong ilang taong nakipag-live-in, o sabihin mo mang marami nang naka-live-in, basta hindi naman nagpakasal walang problema ‘yan.

Mayroon nga naikasal na eh, pero kung talagang desidido ang manliligaw, maghihintay siya hanggang sa ma-annul ang naunang kasal noon. After all sinasabi nga nila na ang matagal na paghihintay ay nangangahulugan ding talagang mahal niya ang nililigawan niya.

Pero dapat matuto na si Nadine sa mga manliligaw sa kanya. Kailangan isipin niyang mabuti dahil baka naman nililigawan lang siya dahil si Nadine Lustre siya, lalo na kung taga-showbiz din, baka kakapitan lang siya at tapos ay wala na. Kailangang siguruhin din niya na kung ano man ang nakaraan ay bale wala sa nanliligaw sa kanya, dahil baka kung kailan mag-syota na sila at saka isusumbat sa kanyang nakipag-live-in na siya dati.

Kahit naman saan diyan talo ang babae eh. Ang lalaki ilan man ang maka-live-in ok lang eh. Pero  ang babae kasi, iba na ang dating basta “may experience” na.

Minsan nga nakakainis eh, ang partner hindi naman kumikibo pero iyong ibang nakapaligid ang maraming daldal. Kaya nga sinasabing sa ganyang sitwasyon, dehado ang babae talaga.

Ngayon, sino ang manliligaw kay Nadine? Lalo na nga’t sa mga statement niya noong araw na magkahiwalay man sila mahal pa rin niya si James Reid.

Julia masusubukan kung makakabawi pa

Matapos ang ilang delay dahil na rin sa naghihintay sila ng magandang timing at dahil naramdaman din nga nilang apektado si Julia Barretto ng mga controversy na kanyang kinasangkutan, una kay Bea Alonzo at pagkatapos sa kanya mismong pamilya, ngayon lang mailalabas ang kanyang pelikula.

Kung iisipin nga, lakas loob na lang iyan dahil hindi pa rin gaanong nakakabawi si Julia sa kanyang ­image, pero kung hindi naman nila ilalabas, maluluma na ang pelikula.

Kailangan ni Julia na kumita ang pelikulang iyan para masabing nakabawi na siya.

Hindi maikakaila na ang inaasahan nila ngayon ay ang popularidad ni Jo­shua Garcia na hindi nagbago sa kabila ng pagkawala ng kanyang loveteam. Lumakas pa nga si Joshua eh kasi siya ang naging underdog at hindi siya nagsalita nang kahit na ano tungkol doon.

Pero mukhang hindi rin magagamit ang popularidad ni Joshua, dahil ang lumalabas na publisidad ngayon ay tungkol sa kanila ni Janella Salvador.

Nasabayan pa sila ng nCoV (Novel Coronavirus) scare. Papaano nga ba?

Coronavirus ginagamit na dahilan ng mga flop na pelikula!

Nabanggit na rin lang namin ang NCOV na sinasabi ng ilan na dahilan kung bakit marami ang ayaw manood ng sine. Una, wala pa pong kaso ng NCOV infection sa Pilipinas. Pangalawa, maaari naman kayong magsuot ng face mask sa loob ng sine kung duda kayo.

Ang NCOV, ginagamit lang sigurong alibi ng dalawang pelikulang parehong flop ngayon.

Tanggapin nila na kahit walang kinatatakutang virus, mahina ang pelikula nila dahil kahit sa publicity pa lang, wala nang kaingay-ingay.

vuukle comment

JAMES REID

NADINE SAMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with