^

PSN Showbiz

Dimples sawa nang mag-kontrabida?!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Dimples sawa nang mag-kontrabida?!
Dimples

Mukhang hanggang February na lang nga ang Kadenang Ginto.

Tuluy-tuloy na kasing natatalo ito ng katapat na Prima Donnas ng GMA-7. 

Kahit sa mismong Kantar Media na kung saan nagsu-subscribe ang Kapamilya network, kinabog ito ng drama series nina Jillian Ward at mga batang Kapuso stars.

Narinig din naming may umay factor na raw ito, na kahit nga raw si Dimples Romana ay nagsasawa na rin daw sa role niya bilang si Daniela Mondragon-Bartolome.

Kahit sumikat siya at lalong bumongga ang career sa role na iyun, gusto naman daw niyang makagawa ng iba pang challenging role.

Ang isa pang napansin namin, at komento rin ng ilang sumusubaybay, tila may dalang suwerte raw si Aiko Melendez dahil laging nari-rate ang mga programang sinasalihan niya.

Nagmamarka pa ang role na ginagampanan, kaya inspired naman ang aktres sa lahat na ginagawa niya.

Samantala, ilang magagaling na aktres namang naging bahagi rin ng ilang drama series ay minsan pikit matang ginagawa na lang daw nila ang role na pinapagawa sa kanila dahil nagri-rate ito.

Pero minsan ay nilulunok na lang daw nila kahit hindi nila type ang pinapagawa sa kanila.

Nagri-rate kasi at ang gusto lang daw kasi ng production staff at kailangan matalo lang nila ang katapat na programa.

Wala raw silang pakialam kung walang wawa ang ginagawa, basta ang mahalaga natatalo ang katapat. Iyun lang daw ang tanging concern nila, kahit minsan parang di naman daw katanggap-tanggap ang pinapagawa sa mga magagaling na artista.

McCoy gusto na uli ng ka-loveteam

Sinubukan ng Regal Films na i-partner si McCoy de Leon kay Janella Salvador sa The Heiress, at okay naman ang chemistry nila pero naka-focus kasi ang kuwento kina Janella at Maricel Soriano.

Ngayon ay i-partner na naman siya kay Kisses Delavin sa D’Ninang na magsu-showing na sa January 22.

Iba raw ito dahil talagang loveteam daw sila rito.

Sana tanggapin daw ng mga tao, dahil sabi naman ng mga taga-Regal, nakitaan naman daw ng chemistry silang dalawa.

“Ito po talaga ang ipinakita namin dito…yung loveteam talaga.

“Sana po…hindi ko lang masabi. Sana po…pero kasi masaya po talaga ang pelikula eh,” pakli ni McCoy.

Pero kung siya ang tatanungin, gusto na rin daw sana niyang may permanente na siyang ka-loveteam.

“Nakaka-miss din po kasi matagal din na panahon na iba-iba ang partner ko.

“Ang dami ko pong natutunan talaga, Iba-iba po.

“Siguro sa akin naman, sana yung tatagal. Pero okay naman po.

“Siguro….yung magiging healthy ang relationship,” sabi pa ni McCoy.

Kung tatanggapin ng publiko itong tambalan nila ni Kisses, okay lang kaya na ang kasama niya dati sa Pinoy Big Brother ang makaka-loveteam na niya?

Tatanggapin kaya siya ng fans ni Kisses?

“Hindi ko naman po naisip yun, kasi ang ipinakita ko naman kay Kisses ay maganda naman.

“Saka sabi ko medyo na-excite ako kasi challenge to sa akin kung mag-workout sa project na parang hindi nila nakita kung relationship namin sa PBB na parang magkapatid,” napapangiting sagot niya sa amin.

vuukle comment

DIMPLES ROMANA

PRIMA DONNAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with