^

PSN Showbiz

Alden balik-pinas na

SCENE SEEN - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon
Alden balik-pinas na
Alden

SEEN: Ipagdiriwang ng The Boobay and Tekla Show nina Super Tekla at Boobay sa January 2020 ang unang anibersaryo ng kanilang programa. Kasama rin sila sa All Out Sunday, ang Sunday noontime musical variety show ng GMA 7 na mapapanood na sa January 5.

SCENE: Bumalik na kahapon si Alden Richards sa Pilipinas matapos magdiwang ng Pasko sa South Korea, kasama ang kanyang pamilya. Live na mapapanood si Alden sa New Year countdown ng GMA 7 sa Mall of Asia Seaside sa December 31.

SEEN: Magiging maganda ang 2020 ng child actress na si Xia Vigor dahil bibigyan siya ng mga pelikula at recording contract ng Viva. Si Xia ang gumanap na anak ni Aga Muhlach sa blockbuster movie na Miracle in Cell No.7.

SCENE: Ang pasasalamat ni Aga Muhlach sa mga nakatrabaho niya sa Miracle in Cell No.7 na ginawa ang lahat kaya naging tagumpay ang pelikula nila na patuloy na pinipilahan sa box office at nadagdagan ang mga sinehan.

SEEN: Nag-advance taping ang cast ng One of The Baes kaya nagkaroon ng panahon si Amy Austria na magbakasyon sa beach house niya sa Batangas.

SCENE: Nakipag-meeting na si Senator Bong Revilla, Jr. sa mga executive ng GMA 7 dahil pinaghahandaan na nila ang taping ng kanyang comeback project, ang Agimat ng Agila na may target airing sa February.

SEEN: Hindi lamang si Ruffa Gutierrez ang may special participation sa The Mall, The Merrier dahil may cameo appearance din ang kanyang nanay na si Annabelle Rama.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

TEKLA SHOW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with