^

PSN Showbiz

Gretchen, Tony Boy at atong, sama-samang nag-celebrate

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Gretchen, Tony Boy at atong, sama-samang nag-celebrate

Claudine sinagot ang depensa ni Marjorie

MANILA, Philippines — Habang nagkakagulo sa social media ang magkapatid na Marjorie at Claudine Barretto, may naganap naman palang celebration si Gretchen Barretto kasama ang long time partner niya na si Tony Boy Cojuangco at ang controversial businessman na si Atong Ang.

As if wala ngang nangyayaring giyera sa kanilang magkapatid sa pagkamatay ng kanilang amang si Mr. Miguel Barretto.

Kitang-kitang magkatabi sina Mr. Cojuangco at Mr. Ang sa isang Instagram video ni La Greta habang nag-iinuman sa isang pribadong lugar na may kasamang iba pa.

Maalalang bumida ang pangalan ni Mr. Ang sa giyera ng magkakapatid na Barretto na hindi pa pala tapos.

May video si Claudine na ini-upload sa kanyang IG account last Saturday na naririnig si Marjorie na nagsasalita ng parang ‘we’re leaving Dad. Super drama to death si Inday. Baka masapak ko.’

Kuha sa hospital ang nasabing video na kinakausap ni Marjorie ang mga anak niya pero parang ang gulo ng kuha.

Burado na ang nasabing video.

Pero pinalitan ni Claudine ng interview sa TV Patrol na sinasabi ni Marjorie ‘I am a good daughter’ habang nagpapaliwanag siya ng issue sa bintang ni Gretchen. May kasama pa sa caption ni Claudine na parang sagot sa naunang paliwanag ni Marjorie na hindi ang mommy nila ang sinasabi niyang Inday na sasapakin niya : “Here’s a fact ) Marjorie came out of the icu where my dad was in a critical condition. Only 2 visitors at a time can enter the ICU ( it was only mom inday & Marjorie inside the icu She then says , super drama si inday baka MASAPAK KO ( who then can she refer to other than my mom inday. 
To the one who sent this video.  Thank u So much.”

Ilang araw ding nanahimik ang Barretto sisters, pero hindi pa man tapos ang Araw ng mga Kaluluwa nung November 2, may continuation pala.

Pero kahapon ay kasama na uli ni Marjorie at pamilya niya ang nanay nilang si Mommy Inday. “Sunday lunch,? We miss you today, Dad,” sabi niya sa ‘happy photos nila.’

Ano pa kayang susunod nilang gagawin?

vuukle comment

ATONG ANG

GRETCHEN BARRETTO

TONY BOY COJUANGCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with