^

PSN Showbiz

Santacruzan sa Binangonan, inaabangan na!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaabangan na ng mga Pinoy ang buwan ng Mayo dahil sa tradisyon ng Santacruzan na pumaparada ang mga naggagandahang sagala at naggaguwapuhang konsorte sa iba’t ibang komunidad.

At sa ganitong okasyon, nagtatagisan ang mahuhusay na fashion designers sa kani-kanilang disenyong kasuotang pansagala.

Sa Barangay Libid sa Binangonan, Rizal, pinananabikan ang gaganaping Inter-Barangay Reyna ng Santacruzan sa Mayo 4 at masusundan ng Grand Santacruzan sa Mayo 5 sa ganap na ika-7 ng gabi.

Ngayong taon, magbibigay kulay at sigla sa nasabing pagdiriwang ang bagets actress na Kapuso star, Pauline Mendoza bilang Reyna Elena, gagamitin niya ang nilikhang gown ng designer Roma Sison Ulang, kasama rin sa Santacruzan si Manalo Mendoza, ng Inagaw na Bituin at Black Lipstick ang konsorte ni Nicole Rivera Ubiadas bilang Reyna Emperatriz.

Panata ang turing sa Santacruzang nabanggit, ayon kay Gomer O. Celestial, project coordinator, ang Santacruzan ay tampok sa Pista ng Krus sa Brgy. Libid at ito ay lalahukan din ng mga piling dilag ng nasabing bayan na pangungunahan ni Lamba Mendoza, Reyna Elena sa prusisyon sa umaga at Miggy Doblada.

Itinataguyod ito ng Sangguniang Barangay at SK ng Libid, sa pamumuno nina Barangay Chairman Gil “Aga” Anore, Kagawad Jenny Lyn Villegas, Chairman on Education Culture and Tourism, SK Chairman Paulo V. Anore.

Ilan sa mga artista, beauty queen na nakumbida na maging Reyna Elena sa bayan ng Binangonan Rizal at sumikat katulad nina Judy Ann Santos, Bea Alonzo, Empress Schuck, Jodi Sta. Maria, Rica Peralejo, Beth Tamayo, Alma Concepcion, Jessa Zaragoza, Lindsay Custodio, Kaye Abad, Paula Peralejo, Krista Ranillo, Ana Roces, Tina Monasterio, Marianne dela Riva, Margaret Wilson, Peachy Veneracion, Jean Harn, Ynna Asistio, Jackie Rice, Gabbi Garcia, Kate Valdez, Patty Mendoza at Kyline Alcantara.

vuukle comment

SANTACRUZAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with