^

PSN Showbiz

Kaye malapit nang tigukin sa serye

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Kaye malapit nang tigukin sa serye
Kaye

Pakiusap ni Kaye Abad, panoorin n’yo na ang Nang Ngumiti ang Langit dahil malapit na siyang mawala sa serye, mamamatay na ang character niyang si Elle, ina ni Mikmik na inaasahang bibihag sa puso ng mga manonood ang gumaganap na si Sophia Reola dahil sa ganda ng kanyang role at makabagbag damdamin niyang performance.

Isa si Kaye sa maituturing na maga­ling na Kapamilya actress. Nagsimula siyang mapansin sa seryeng Tabing Ilog kung saan ay nagsimula rin ang mara­ming artista tulad nina John Lloyd Cruz, Jodi Sta. Maria, Patrick Garcia, Paula Peralejo, Desiree del Valle, Paolo Contis, at Baron Geisler.

Nag-sideline lang siya dahil nag-asawa at nagkaanak pero, ikinagagalak ng marami ang kanyang pagbabalik kahit disappointed sila na napakaikli lamang ng role nito sa NNAL.

Ngayong made na siya ay pwede na niyang aminin na naging magka-relasyon sila nun ni John Lloyd na naka-base na rin sa Cebu pero, hindi pa sila nagkikita.

Maraming artista naghihintay sa narco list

Maraming artista na marahil ang takot na ilabas ng gobyerno ang mga pangalan ng mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Makakaapekto ito sa kanilang karera at magbibigay sa kanila at maging sa pamilya nila ng malaking kahihiyan dahil sa pagiging drug addict nila. Inanunsyo kasi na pawang mga sikat na artista ang kasama sa listahan.

On the other hand, makakatulong din sa kanila kung malalaman agad kung sino sila dahil pwede pa silang makawala sa bisyo at ma-rehab. Huwag na silang i-condemn lalo’t willing silang makawala sa kanilang bisyo.

PBB naisalba sa pagpapakatotoo ng magkaibigan

Sa kabila ng galit ko sa mga huling kaganapan sa Pinoy Big Brother Otso, napalitan ito ng pag­hanga sa naging pagkakaibigan nina Yamyam at Fumiya.

Parang nailigtas ng magkaibigan ang buong palabas with their truthfulness, at sa pagpapakatotoo din ni Thea na hindi nagawang maipahiya ang mga nagtanong sa kanya.

Mas malakas ang loob niya kaysa sa mga naunang tinanong na sina Shawntel, Andre at Lou. Ano pa kaya ang susunod na maisip gawin ni Big Brother para masira ang loob at paninindigan ng mga housemate na mabuti naman at napapanood ng marami kung paano sila manindigan sa gitna ng mga nakapaligid sa kanilang kalupitan ni Big Brother at ng mga evictee? Pwede namang napakiusapan si Kuya na maghinay-hinay at huwag lumabis sa ipinagkakaloob ng magandang asal.

Wala namang mawawala na sa kanila dahil evicted na sila pero, sumige pa rin sila sa ipinag-uutos sa kanila, nakita tuloy ang tunay na pagkatao nilang lahat. 

vuukle comment

KAYE ABAD

NARCO LIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with