^

PSN Showbiz

Transgender sa miss u gustong magpasalamat!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Transgender sa miss u gustong magpasalamat!
Angela Ponce

Scene : Bumalik sa Bacolod ang cast ng Kara Mia dahil ni-reshoot ang ilang mga eksena nila para  gumanda ang upcoming primetime television series ng GMA 7 na ipapalit sa Cain at Abel.

Seen : In full force ang mga host ng Eat Bulaga sa renewal kahapon ng kontrata nila sa GMA Network Inc. Dalawampu’t apat na taon nang napapanood sa Kapuso Network ang longest running noontime variety show ng Pilipinas. Magdiriwang ang Eat Bulaga ng 40th anniversary ngayong 2019.

Scene : Ang Cinema 1 ng SM Megamall ang venue ng red carpet premiere sa Lunes, February 4 ng Hanggang Kailan, ang movie nina Xian Lim at Louise delos Reyes. Ito ang unang movie venture ng XL8, ang production company na itinayo ni Xian.

Seen : Ginanap kahapon sa Wild Sounds Studio sa Sampaguita Pictures compound ang press preview ng Elise, ang pelikula nina Janine Gutierrez at Enchong Dee na makakatapat ng Hanggang Kailan sa takilya sa February 6.

Scene : Dumating kahapon sa Pilipinas si Miss Universe Vietnam 2018 H’Hen Nie para bumisita sa bansa. May plano rin si Miss Universe Spain Angela Ponce na magbakasyon sa Pilipinas dahil ipinagmamalaki niya ang suporta ng mga Pilipino sa LGBTQ community. Si Ponce ang first transgender woman contestant sa kasaysayan ng Miss U.

Seen : Mataba lang at hindi siya buntis ang nagbibiro na sabi ni Aiza Se­guerra sa presscon noong Huwebes ng Playlist: The Best of OPM, ang concert sa Smart Araneta Coliseum  na pagsasamahan nila nina Joey Generoso, Jinky Vidal, Jay Durias, Juris Fernandez, Medz Marfil at Janine Tenoso sa March 1. Ang partner ni Aiza na si Liza Dino at hindi siya ang magbubuntis sa kanilang pinapangarap na anak sa pamamagitan ng In Vitro fertilization.

Scene : Hindi inililihim ni Jay Durias na fan siya ni Janine Tenoso. Hangang-hanga si Durias sa singing talent ni Janine.  

Seen : Ang Elise stars na sina Enchong Dee, Janine Gutierrez at Jackie Lou Blanco ang mga maglalaro ngayon sa celebrity edition ng Boom, ang popular game show ng Eat Bulaga. Hindi itinanggi ni Enchong na excited siya na makapasok sa studio ng EB.

vuukle comment

ANGELA PONCE

MISS UNIVERSE SPAIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with