^

PSN Showbiz

Zia pinagawan ng sariling bahay!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Zia pinagawan ng sariling bahay!
Zia

MANILA, Philippines — Ang cute ng pinatayong bahay-bahayan ng mag-asawang Dingdong and Marian Dantes para sa kanilang three-year old daughter na si Zia.

Naka-tag ang fan page ni Zia sa social media kahapon sa bagong gawang bahay niya.

Normal ang approach ng mag-asawa sa pagpapalaki kay Zia.

Bibihira na nga kasi ngayon ang naglalaro ng bahay-bahayan o maging doll dahil maraming bata ngayon mas nauunang maaliw sa paggamit ng social media at video games. Umiikot na dun ang buhay nila at hindi nararanasan ang maging normal na childhood.

Eh si Zia, pinaparanas nila Dingdong at Marian ang ordinary life ng isang bata.

Isa pa sugatan studio audience ng Wowowin nahulog habang nagsasayaw, binawian ng buhay

Nagluluksa ang programang Wowowin matapos maaksidente at bawian ng buhay habang nagsa­sayaw sa taping ng opening number ng programa hosted by Willie Revillame ang isang studio audience na kinilalang si Estrella Bognot habang ang isa ay sugatan at kinilala namang si Milagros Espiritu.

Ayon sa lumabas na statement ng programa at GMA 7, nasa bleachers ang dalawa nang mawalan sila ng balance habang sumasayaw at kumakanta para sa opening ng programa.  Tumama raw ang ulo ni Estrella Bognot sa fire extinguisher.

Naganap ang aksidente sa taping ng programa noong Tuesday, January 22.

Agad umano itong pinuntahan ng in-house paramedic of WBR Entertainment at isinugod sa Delgado Hospital.

Agad na nakiramay ang GMA 7 at WBR Entertainment sa naganap na hindi inaasahang pangyayari at nag-offer agad ng assistance sa pamilya ng dalawang biktima.

vuukle comment

DINGDONG AND MARIAN DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with