^

PSN Showbiz

VM nakilala na, Alden binati sa kakaibang ginawa

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
VM nakilala na, Alden  binati sa kakaibang ginawa
Alden

Wow pati si Dingdong Dantes ay naki-promote ng Victor Magtanggol kahapon.

All out talaga ang naging suporta ng lahat sa first super hero series ni Alden Richards sa GMA 7.

Ang Eat Bulaga nga sa pangunguna nina Vic Sotto and Joey Marquez at maging si Maine Mendoza ay naki-promote talaga at nakisali sa Twitter party.

Ipinakilala na nga kagabi ang pinakabagong tagapagtanggol sa GMA Telebabad—si Victor Magtanggol. And true enough, pinagbunyi ito ng mga naghintay dahil nabighani naman agad sila sa pang-world class na mga special effects na ipinakita sa serye at siyempre sa bigating cast ng telefantasya na pinangungunahan ni Alden.

Sa social media, maaga pa lang ay trending at usap-usapan na agad ang pagsisimula nito pagkatapos ng 24 Oras. 

Masaya sila sa pagbabalik ni Pambansang Bae sa primetime dahil hindi raw sila nabigo sa pag-aabang dahil talagang pinaghandaang mabuti ang lahat ng aspeto ng programa.

Congratulations, Alden!

vuukle comment

DINGDONG DANTES

VICTOR MAGTANGGOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with