^

PSN Showbiz

Mommy D at bf, in demand sa selfie!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Mommy D at bf, in demand sa selfie!
Lynette, Lolit, Mommy D at BF

MANILA, Philippines — Apat na head of states ang naka-schedule manood ngayong araw ng bakbakang Manny Pacquiao vs Lucas Matthysse na magaganap sa Axiata Stadium dito sa Kuala Lumpur Malaysia. Kabilang dito si President Digong Duterte, Malaysian Prime Minister Mahathir Mohamad at dalawa pa pero bawal pa raw banggitin habang sinusulat namin ito.

Anyway, piyestang-piyesta ang ambience ng Le Meridian hotel kung saan naka-check ang Pambansang Kamao. As in all out ang support ng Pinoy na lumipad dito sa KL para saksihan ang labanan. May kanya-kanyang team sila ha. May Team Manny, Team Jinkee, Team Mommy Dionisia at Team Michael (bf ni Mommy Dionisia). Ang sweet kasi nina Mommy Dionisia and Michael at in demand na in demand sa pictorial ng fans.

Kaya sure na sure na parang nasa Philippine Arena ang pakiramdam sa magaganap na labanan ngayong araw dahil sa rami ng Pinoy fans na pumuno sa mga hotel dito sa KL.

Kabilang nga pala sa mga artistang namataan namin dito ng fans ay sina Diether Ocampo ang KC Montero at full force rin ang executives ng GMA 7.

Direk Carlo nagpaka-assistant director sa anak

Tuluy-tuloy talaga ang Viva Films sa pagpapalabas ng mga pelikula. Parang every week, meron silang sino-showing na movie. Ang latest offering nila ay ang Jacqueline Comes Home (The Chiong Story), isang nakaaantig na crime drama hango sa kontrobersyal na real-life rape and murder case ng magkapatid na Chiong sa Cebu 21 years ago na ang nakalilipas. 

Pinagbibidahan ito nina Donnalyn Bartolome bilang Marijoy at Meg Imperial bilang Jacqueline na mapapanood na sa mga sinehan simula July 18. Magsisilbi itong directorial debut  ni Ysabelle Peach Caparas (Direk Peach), sa story at panulat ng kanyang amang si Carlo J. Caparas, na siya ring nagsilbing assistant director. 

Sina Jacqueline at Marijoy ay mga ordinaryong dalaga na may mapagmahal na pamilya.  Malaya silang nakalalabas nang walang bantay, at sa kaso ni Marijoy, pinayagan siyang magkaroon ng boyfriend.  Kahit mas nakatatanda si Jacqueline sa kapatid at wala pa itong karelasyon, balewala sa kanya ito.  Sa katunayan, mas gusto niyang kasama ang kanilang magulang na si Dionisio at Thelma.       

Ngunit ang pagiging ordinaryo ng kanilang buhay ay natapos noong July 16, 1997.  Sa maulang gabing iyon, dinukot ang magkapatid mula sa waiting shed kung saan nag-aabang sila ng masasakyan pauwi.  Dinala sila sa liblib na lugar at doon pinagsamantalahan ng anim na kalalakihan. 

Kinabukasan, hindi maipaliwanag na pagdadalamhati ang naramdaman ng kanilang mga magulang nang makita nila ang bangkay ni Marijoy habang hindi malaman kung nasaan si Jacqueline. 

Kung mararanasan ng isang pamilya ang ganitong trahedya, paano ang mga naiwan? 

Ang paghihirap ng pamilya Chiong para mahanap ang hustisya ay makikita sa mahusay na pagganap nina Joel Torre at Alma Moreno sa pelikula. 

Si Ryan Eigenmann ay gumaganap bilang isa sa mga lalaking umabuso sa mga dalaga.  Bago ginawa ang rape scene, tinanong ng aktor kung ano ang mga bawal para hindi maging uncomfortable ang mga aktres.  Bilang mga propesyonal din naman sina Meg at Donnalyn, buong tiwala nilang pinaubaya kay Direk Peach ang direksyon para magawa nila ng mahusay ang eksena. 

Ibinahagi ni Direk Peach sa isang interview na nais niyang maging open for interpretation ang pelikula.  Kwento rin niya na gusto talaga ng kanyang yumaong ina na si Donna Villa na gawin ang pelikulang ito noong ito’y nabubuhay pa.

Inaasahang tatagos ito sa puso ng marami at pag-uusapan.

vuukle comment

MANNY PACQUIAO VS LUCAS MATTHYSSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with