^

PSN Showbiz

Maricel tinutukan...Donny bida agad ang pangalan sa Walwal!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Maricel tinutukan...Donny bida agad ang pangalan sa Walwal!

Sinamahan ni Maricel Laxa ang kanyang anak na si Donny Pangilinan sa presscon kahapon ng Walwal sa Valencia Events Place.

Isa si Donny sa apat na bida ng Walwal at kung ex­cited siya sa unang pelikula niya, mas matindi ang excitement ni Maricel na very supportive sa kanyang anak.

Introducing si Donny sa youth oriented movie ng Regal Films pero binigyan agad ng prominent billing ang pangalan niya sa mga poster at billboard ng Walwal na mapapanood sa mga sinehan sa June 27.

Twenty years old na si Donny at siya ang pinaka­ma­tangkad pero pinakabata sa ibang Walwal boys, sina Kiko Estrada, Jerome Ponce at Elmo Magalona.

Si Joey Reyes ang direktor ng Walwal at ang kanyang 19-year old student ang sumulat ng kuwento ng coming soon movie ng Regal Entertainment Inc.

Pandadakma ng puwet ni Frank, may ibang kuwento

As expected, tinanong si Elmo Magalona sa presscon ng Walwal tungkol sa kontrobersya na kinasasangkutan ng kanyang kapatid na si Frank na inaresto at inireklamo ng unjust vexation dahil sa reklamo ng alleged na pagpisil niya sa puwet ng girl na nagtatrabaho sa isang bar sa The Fort.

Bago nagsimula ang presscon ng Walwal, ang kaso ni Frank ang topic ng mga entertainment writer.

May ibang version ako na narinig pero in defense of Frank na diumano, biktima lang dahil inosente siya sa kasalanan na ibinibintang laban sa kanya.

Unprintable ang version na nakarating sa akin at mukhang kapani-paniwala pero hindi ko puwedeng i-share sa dear readers ng PSN dahil medyo sensitive ang mga impormasyon.

Hindi ko pinangarap na madamay sa problema ni Frank. Iniimbestigahan na ang insidente at nagsampa na ng kaso ang Taguig Police laban kay Frank kaya hintayin na lang natin ang resulta. Sure naman na dedepensahan ni Frank ang sarili. Enough na muna na malaman niya na marami ang nakikisimpatiya sa kanya at hindi makapaniwala sa gusot na kanyang kinasasangkutan.

Tiniyak ni Elmo Magalona na may gagawin at haharapin ni Frank ang kaso nito.

Limitado ang sagot ni Elmo sa mga nagtanong sa kanya tungkol sa problema ni Frank dahil wala naman siya sa pinangyarihan ng insidente.

Nalulungkot si Elmo sa nangyari kay Frank pero suportado niya ang kanyang kapatid.

“I’m just really here for my brother if he needs me. Kahit ano pong support, words of advice or kung bakit siya na punta sa ganun o ganyan, Basta kung kailangan niya ako I’ll be there for him,” ang assurance na ibinigay ni Elmo.

Maricel nagsimula rin sa Regal

Hindi na nahintay ni Mother Lily Monteverde ang pagsisimula ng presscon ng Walwal dahil may meeting pa siya sa mga bossing ng GMA 7 sa isang five star hotel sa Mandaluyong City.

Mabuti na lang, maaga ako na nagpunta kahapon sa Valencia Events Place kaya nagkita at nagkausap pa kami ni Mother na maraming pelikula ang nakalinya na gagawin.

Si Mother ang nagbigay kay Maricel Laxa ng big break sa pelikula. Napakabilis ng panahon dahil ngayon naman, ang anak na ni Maricel na si Donny ang binigyan ni Mother ng movie project. Take note, si Joey Reyes ang direktor ni Maricel sa first movie nito sa Regal Films at siya rin ang direktor ng unang pelikula ni Donny.

vuukle comment

WALWAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with