^

PSN Showbiz

Anne napa-react sa kaseksihan ni Marian

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Anne napa-react sa kaseksihan ni Marian
Marian

Nag-celebrate ng kanilang 40th month wedding anniversary sina Dingdong at Marian Dantes kasama si Zia sa isang beach resort na hindi binanggit kung saan.

Nakita sa IG story ni Dingdong na naliligo sila ni Zia at may picture naman si Marian na naka-swimsuit. Sa silhouette photo nila ni Ma­rian na pinost ni Dingdong, ang sabi sa caption, “Tuwing katapusan. #40.”

Isa sa mga pangalan ng taga-showbiz na napa-comment na sexy si Marian sa red swimsuit ay si Anne Curtis na leading lady ni Ding­dong sa pelikulang Sid & Aya na May 30 na raw ang showing.

Mother’s Day na Kobe ginamit na rin ang apelyido ni Jackie!

Nakalagay na sa profile ni Kobe Paras sa Instagram (IG) ang apelyido ng inang si Jackie Forster. Nakasulat ang Kobe Lorenzo Fors­ter Paras na tiyak nabasa ni Jackie at tuwang-tuwa ito.

May nakita kaming picture ng mag-iina kasama ang relatives ni Jackie. Ang ganda ng sinabi ni Trish Ayson na “This world can be tough but know that you now have our families again for any support you may need. Just like old times.”

Sa isa pang picture na pinost ni Jackie na kuha sa Fullerton, California, kasama ni Kobe ang mga kapatid sa ina. “One day soon we will have one with Kuya @andreparas too,” pa­ngako ni Jackie.

Sa IG story ni Kobe, may picture sila ni Jackie na silang dalawa lang at may picture siya with his siblings. Ang dami ring na-touch sa post ni Kobe sa IG ni Jackie na “I LOVE YOU, MA.”

Walang dudang napaaga nga ang Mother’s Day gift ni Jackie.

Bitoy ‘di nakapagpigil, nakipagyakapan kay Iron Man!

Napanood namin ang video ni Michael V. nang makita ng personal ang Hollywood actor na si Robert Downey Jr., sa press junket sa Singapore ng Avengers: Infinity War. Isa-isang niyakap ni Downey ang grupo nina Michael V at noong turn na ni Michael na i-hug, nag-request ito ng hug for his wife.

Natatawa na tinanong ni Downey si Michael V ng “a hug for your wife?” at nang sumagot ng “yes” si Michael V, agad siyang niyakap at mas matagal ang pagyakap sa kanya ng aktor. Pinost ‘yun ni Michael V at nilagyan ng background music na I Will Always Love You ni Whitney Houston.

Dagdag na tuwa ni Michael V nang i-post ni Downey sa Instagram (IG) nito ang photo na kasama siya sa grupo. Ayun, maraming nainggit na friends ni Michael V na fans din ng Hollywood actor.

vuukle comment

MARIAN DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with