^

PSN Showbiz

Miguel at Marvin nagpasabog sa Kambal, Karibal

Pilipino Star Ngayon
Miguel at Marvin  nagpasabog sa Kambal, Karibal
Miguel at Marvin

MANILA, Philippines — Isang mainit na eksena ang pinasabog nina Miguel Tanfelix bilang Diego at Marvin Agustin bilang Raymond sa Kambal, Karibal dahil nalaman na kung sino ang tunay na pumatay kay Manuel De Villa (Christopher De Leon). Sa pagdidiin ng kampo ni Raymond kay Cheska (Kyline Alcantara), may umamin at tumestigo na si Raymond talaga ang may kasalanan sa pagkamatay ng kanyang sariling ama. Kaya naman nang malaman ito ni Diego ay sinugod niya si Raymond sa kulungan at sinuntok ito. Mainit ang palitan ng mga salita, at kitang kita sa mata ni Diego ang lalim ng galit niya sa ama.

Napakahusay ng atake ni Miguel sa kanyang karakter, at sa mga shots kay Marvin, kita rin sa mga mata nito ang pagkabilib sa co-actor habang nasa eksena. Lumabas ang galing ni Miguel sa drama, at talagang damang-dama ang nag-uumapaw niyang galit. Napaka natural din ni Marvin sa pagiging isang kontrabida, at harmonious ang eksena nila dahil tama ang timpla ng bawat kilos nila rito.

vuukle comment

KARIBAL

KAMBAL

MARVIN AGUSTIN

MIGUEL TANFELIX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with