^

PSN Showbiz

Juliana at Leila pila na agad ang raket

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Juliana at Leila  pila na agad ang raket

Para raw sa portfolio nina Juliana Gomez at Leila Alcasid ang mga pictorial nila na pang-shampoo commercial ang concept dahil ayos na ayos ang kanilang mga buhok.

Hindi naman shocking kung maging mga shampoo commercial model ang mga darling daughter nina Richard Gomez at Ogie Alcasid dahil sila ang future ng showbiz pero that remains to be seen.

Parang susundan lang nila ang mga yapak nina KC Concepcion, Julia at Claudia Barretto na mga artista rin ang mga magulang at naging commercial models ng mga hair product.

Lucky girls sina Juliana at Leila dahil mga sikat ang mga nanay at tatay nila kaya madali para sa kanila ang  maka-penetrate sa showbiz. Hindi nila napagdaanan ang mga struggle ng mga aspiring star na walang koneksyon sa showbiz, maliban sa kanilang mga talent at matinding ambisyon na maging artista.

Mark at Sarah mas nagkalapit ang loob

Kasali na rin si Mark Bautista sa mga special guest ni Sarah Geronimo sa 15th anniversary concert nito sa Smart Arane­ta Coliseum sa April 14, ang This I5 Me. Makakasama niya sina Billy Crawford, James Reid, Xian Lim at Daniel Padilla.

Magkasabay na nag-umpisa ang mga singing career nina Sarah at Mark na parehong mga contestant ng Star for a Night noong 2002 hanggang 2003.

Si Sarah ang idineklara na champion at runner up si Mark.

Nang magkaroon ng mga name sa showbiz, maraming beses na nagkasama sina Mark at Sarah sa mga pelikula at television show. Ang akala ng fans, manliligaw at eventually, naging boyfriend si Mark ni Sarah.

Totoo naman na nag-attempt si Mark na ligawan si Sarah pero hanggang BFF lamang ang relasyon nila at ikinuwento ito ng singer-actor sa kanyang tell-all biography book, ang Beyond the Mark.

Si Sarah ang isa sa mga unang nakaalam na bisexual si Mark pero hindi nagbago ang tingin niya sa kanyang kaibigan.

I’m sure, lalong naging malalim ang friendship ng dalawa dahil bukod sa mga nag-mature na sila, kilalang-kilala na nila ang isa’t isa.

Dapat abangan ang mga production number nina Sarah at Mark sa This I5 Me dahil tiyak na babalikan nila ang nakaraan, ang pagsisimula ng kanilang mga showbiz career na after fifteen years, active na active pa rin sila.

Sharon at Gabby laglag na rin sa mala-Ocean Twelve na movie?!

Magkikita uli kami ni Congressman Albee Benitez at kapag nagkausap kami, ang kanyang movie project na mala-Ocean Twelve ang concept ang uusisain ko.

Ambitious ang project ni Papa Albee dahil sina Richard Gomez, Sharon Cuneta at Gabby Concepcion ang ilan sa mga big star na gusto niya na magbida sa kanyang ipo-produce na pelikula.

Alam ng lahat na hindi na naman okey ang relasyon nina Gabby at Sharon pagkatapos ng kanilang successful television commercial kaya hindi na matutuloy ang pelikula na gagawin nila sa Star Cinema.

Hindi na rin pina-follow nina Gabby at Sharon ang mga Instagram account ng isa’t isa na sign na may naganap na imbyernahan sa kanila.

Siyempre, itatanong ko kay Papa Albee kung itutuloy pa rin niya ang kanyang dream project.

Puwede naman na matuloy ang pelikula, kahit wala ang sinuman kina Gabby o Sharon. Madali para kay Papa Albee ang maghanap ng replacement sa mga artista na hindi nagkakasundo dahil maraming aktor at aktres ang type na mapasali sa big-budgeted movie na pinaplano niya.

vuukle comment

JULIANA GOMEZ

LEILA ALCASID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with