^

PSN Showbiz

Regal at GMA Films tuloy na ang partnership!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Pagkatapos ng series of meetings nina Mother Lily at Roselle Monteverde at mga taga-GMA Films particular sina Annette Gozon at Joey Abacan, tuloy na ang co-production deal ng Regal Entertainment at GMA Films.

Tatlong pelikula raw ang gagawin ng Regal at GMA Films at uunahin ang tambalan ng isang love team na sumikat sa ginagawa nilang series. Hinihintay lang na matapos ang taping ng kanilang show at magsisimula na silang mag-shooting. Si Joel Lamangan ang director ng pelikula ng magka-love team.

Magkaka-love team din ang bida sa dala­wa pang pelikula ng Regal at GMA Films na hindi muna pina­nga­lanan.

Loveteam nawalan ng endorsement dahil sa kaartehan

Dapat pala endorser ng isang fast food chain ang isang magka-loveteam. Kaya lang, nag-inarte ang aktres at ang kampo nito at may mga demand na ikinairita ng agency na kumukuha sa kanila ng ka-loveteam, kaya hindi na itinuloy ang kanilang endorsement.

Nadamay ang aktor sa aktres na excited pa namang mapabilang sa endorser ng fast food chain. Makakatulong sa popularity nila ng ka-loveteam kung natuloy ang pagiging endorser nilang dalawa. Ayaw naman ng agency na ang aktor lang ang kukunin nila dahil ang magka-loveteam ang gusto nila.

Ang ending, parehong nganga ang magka-love­team. Pero huli na ang lahat para magsisihan.

Ang kaartehan kaya ng ka-loveteam ang isa sa mga rason kung bakit pumapayag ang aktor na makipagtambal sa iba? Sa teleserye nilang dalawa ngayon, hindi focus sa tambalan nila ang istorya.

Barbie hiniram ni Jak kay Ivan?!

Sina Ken Chan at Ivan Dorschner ang tila nag-aagawan sa atensyon ni Barbie Forteza sa apat na leading men ng aktres sa Meant To Be. Kaya lang, naunahan na ang dalawa ni Jak Roberto nang yayaing lumabas si Barbie.

Nanood ng tatlong pelikula sina Barbie at Jak at magkasama sila mula 2 p.m. up to 12 m.n. Bukod sa panonod ng sine, nag-dinner, nag-milkshake at nag-stargazing pa.

Sabi ni Jak, hindi date ang labas nila ni Barbie. Nabanggit din nitong niyaya rin niya ang parents ni Barbie kaya lang ay hindi lang pumuwede ang dalawa.

Dahil libreng sumamang lumabas si Barbie kay Jak, ibig bang sabihin nito ay hindi pa sila item ni Ivan? O, baka naman nagpaalam si Barbie kay Ivan?

Samantala, tuluy-tuloy pa ring mapapanood ang Meant To Be hanggang June 23. May mga bagong karakter pang papasok at may mga babalik.

Ang pinakamagandang balita sa cast ay ang taping nila sa Singapore. 

Solenn nag-tattoo habang nasa-set

Last two weeks na ng Encantadia at matinding labanan pa ang mangyayari sa pagitan ng mga Sang’gre at kampon ni Hagorn (John Arcilla). May mga karakter sa fantaserye na gusto ng Encantadiks na mamatay. Patayin nga kaya sila sa script ni Suzette Doctolero?

‘Katuwa pala ang napanood naming video sa taping ng Encantadia na in between takes, ay nagta-tattoo si Solenn Heussaff sa staff. Tinawag niyang “tattoo parlor on the set” ito. 

vuukle comment

ROSELLE MONTEVERDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with