^

PSN Showbiz

Juday at mga anak may sked ang panonood ng TV

KC - Pilipino Star Ngayon
Juday at mga anak may sked  ang panonood ng TV
Judy Ann Santos-Agoncillo

MANILA, Philippines - Patunay si Judy Ann Santos-Agoncillo na kayang-kaya maglaan ng oras para sa pamilya sa kabila ng busy schedule kaya naman nakareserba ang Biyer­nes ng gabi para sa family TV time.

“Magkasama kaming nanonood ng TV lalo na tuwing Biyernes ng gabi dahil walang pasok ang mga bata sa susunod na araw at wala rin silang tutorials. Pinapayagan din namin silang matulog ng medyo late at panoorin ang gusto nilang shows basta lagi dapat kaming kasama ni Ryan,” ani ng bagong SKYdirect ambassador.

Para kay Juday, malaki ang papel ng panonood ng TV sa pagpapatibay ng relasyon ng pamilya. Ibinahagi rin ni Juday na sinisikap nila ni Ryan na sagutin ang mga tanong ng kanilang mga anak ng tapat at tama tuwing nanonood sila ng TV.

“Very open ang mga bata sa pagtatanong sa amin tuwing nanonood kami ng TV. Pag may nakikita sila na hindi nila maintindihan, nagtatanong sila at bilang magulang, sinasagot namin ng tapat at tama sila. Gusto naming na nagtatanong sila sa amin ni Ryan dahil mas nagiging tapat at open sila at nalalaman namin ang ka­ni­lang mga interests para alam din namin kung anong programa ang ihihikayat namin sa mga bata,” dagdag ni Juday.

Tagalog shows ang ilan sa mga hi­ni­hikayat ni Juday na panoorin ng kanyang mga anak lalo na ang edu­cational shows tulad ng Matanglawin para mas mahasa pa ang pag­tatagalog ng kanyang mga anak. Umeere ang Matanglawin sa ABS-CBN HD sa SKYdirect, ang direct-to home TV (satellite antenna) ng SKY Cable na siya namang cable at broadband company ng ABS-CBN na siksik sa exclusive shows at channels para sa pamil­ya.

Matutunghayan din sa SKYdirect ang mga palabas na tampok ang news, sports, lifestyle, cartoons, at mga pelikula na pasok sa panlasa ng bawat mi­yembro ng pamilya.

Mas pinamura pa ang SKYdirect satellite antenna kits dahil available nalang ito sa presyong P2,699 mula sa original price nitong P2,990. Makakapili din ang pamilya ng prepaid plans mula Plan 99, Plan 250, at Plan 450, samantala availa­ble sa postpaid plans ang Plan 250 at Plan 450.

Para naman sa existing direct-to-home (satellite antenna) subscribers ng ibang brands, mas pasok na sa budget ang paglipat sa SKYdirect dahil sa kanilang promo.

Sa mga gustong kumuha ng SKYdirect prepaid, libre na ang installation cost pati ang unang dalawang buwan ng Plan 250 o 450, at P999 nalang ang box price.

Hanggang June 19 ang nasabing SKYdirect promo. Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa mysky.com.ph

 

vuukle comment

JUDAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with