Jolens at Marvin makikiuso na uli

Parehong excited ngayon ang dating magka-loveteam na sina Jolina Magdangal at Marvin Agustin sa nalalapit nilang paggawa ng reunion movie under Star Cinema.
Ang team-up noong dekada `90 nina Jolina at Marvin ang isa sa pinakamatagumpay na loveteam noon.
Marlon walang maililihim
Kung ang isang personalidad ay nagiging kilalang public figure, asahan na ang pribado nitong buhay ay tiyak na mahahalukay. Ito ngayon ang nangyayari sa car racer champ, ang Fil-Swiss na si Marlon Stockinger, nobyo ni dating 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach.
Kung gaano ka-open ang relasyong Marlon at Pia ngayon ay hindi naman naitago ang pagkakaroon ni Marlon ng twin na anak sa dati nitong karelasyong fashion model na nagngangalang Kit Barraquias when Marlon was only 18 at 27 naman ang girl.
Kitchie buntis na!
Four months pregnant ngayon ang singer-songwriter na si Kitchie Nadal courtesy of her Spanish journalist and NGO worker na si Carlos Morales. Ang mag-asawa ay ikinasal sa isang lugar sa Tagaytay noong February 26, 2015 sa isang simple and intimate wedding.
Ang hindi makakalimutan ni Kitchie ay ang kanyang P799 worth na ready-to-wear white wedding dress na kanyang binili sa isang boutique sa isang mall sa Makati.
Si Kitchie ay dating lead vocalist ng alternative rock band na Mojofly na kanyang kinabilangan since 1999 to 2003 hanggang sa mag-desisyon siyang mag-solo.
Si Kitchie ang nagpasikat ng awiting Huwag na Huwag Mong Sasabihin at iba pang hits tulad ng Simula Ngayon, Malaya, Same Ground, Run, Fire, Bulong at remake ng awiting Pag-ibig ng APO Hiking Society at Pers Lab ng Cinderella.
- Latest























