^

PSN Showbiz

Matteo at Sarah magtatayo na ng resto?!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Nakatutuwa na nag-aaral ng culinary sa isang pamosong chef at restaurateur na si Gene Gonzales si Matteo Guidicelli. Ibig kayang sabihin ay tutulong ang aktor sa pangangasiwa ng kanilang restaurant sa Cebu? O baka naman nagbabalak silang magtayo ng sarili nilang kainan ni Sarah Geronimo dito sa Kamaynilaan? Nauna nang nag-aral ng culinary si Sarah.

Angeline hindi nagsisisi sa ginawa nila ni Jake

At her age, sinabi ni Angeline Quinto na wala siyang nakitang problema sa ginawa niyang pakikipaglaplapan kay Jake Cuenca sa My Foolish Love. Hindi na raw siya bata para maintriga o mapintasan sa kanyang ginawa na bahagi lamang ng trabaho niya.

Hindi rin ito dahilan para isipin ng fans na desperate siyang maging artista. Marami pa siyang proyekto na natatanggap bilang singer, solo man o bahagi ng Birit Queens kasama nina Jona, Morisette, at Klarisse o ng Concert Divas with KZ, Kyla, and Yeng.

Enchong nalulong na sa bisyo!

Hindi na bago kay Enchong Dee ang maimbitahan para mag-guest sa panguna­hing drama anthology ng bansa na Maalaala Mo Kaya. Lahat ng episodes na ginawa niya rito merited nominations sa mga award giving body sa kategoryang Single Performance By An Actor. 

Ganito rin ang inaasahan ng manonood sa kanya sa mu­ling paglabas niya ngayong gabi sa MMK bilang isang drug addict na nagsimula nang iwan siya ng kanyang mga magulang para magtrabaho sa US. Nang malaman ng mga magulang niya ang pagkakalulong nito sa bisyo ay kinuha nila ito at dinala sa Amerika. Sandali lamang siyang nanahimik. Mas masahol pa ang nangyari sa kanya. Natuto siyang magnakaw para mapagbigyan ang bisyo niya.

Kung paano niya nalampasan ang lahat nang ito ang siyang buod ng episode.

Fans nina Alden at Maine wala sa lugar ang pagkaseloso

Hayyyyy, ang AlDub fans talaga nina Alden Richards at Maine Mendoza lahat na lang pinapa­tulan mapanatili lamang ang kasikatan ng kanilang mga idolo. Sukat ba namang pagbintangan pa si Lovi Poe na ginagamit daw si Alden para sumikat, eh ‘di ba matagal nang sikat ang anak ni Da King Fernando Poe, Jr.?

Marami na rin itong natatanggap na awards bilang patunay ng kanyang kagalingang umarte. At may French businessman din itong boyfriend na nagpapasaya sa kanya. ‘Yung closeness nila ni Alden sa US habang nagpi-perform ay bahagi lamang ng kanilang pagiging mag-Kapuso na binibigyan nila ng malisya. Kung si Maine, walang reklamo, bakit sila mayroon?

vuukle comment

GENE GONZALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with