^

PSN Showbiz

2016 ng showbiz hitik na hitik sa saya at lungkot

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Ang taong 2016 ay hitik na hitik ng masasaya at malulungkot na balita. Hindi pa rin nawala sa taong ito ang maraming kontrobersiya involving various celebrities. 

Maraming kasalan, baby boom among celebrities, marriage proposals, break-ups at marami rin ang namaalam na mga kilalang personalidad sa showbiz.

Ang dating Viva hotbabe na si Jen Rosendhal ang kauna-unahang celebrity na nagsilang ng baby sa taong ito. January 5 nang kanyang isilang ang first baby nila ng kanyang non-showbiz husband na si Jules Chanco, si Tyler. Kinabukasan naman, January 6 ay naging golden girl ang Megastar na Sharon Cuneta.

Ang ex-PPB housemates na sina Mickey Perz at Gee-Ann Abraham ay ikinasal sa Santuario de San Antonio, Makati City noong January 6.

Nagluksa naman ang buong industriya ng showbiz nang pumanaw ang star builder at kaisa-isang Master Showman at host ng long-running late night show sa GMA na Walang Tulugan with the Master Showman na si German “Kuya Germs” Moreno na edad na 83 noong January 8, same day na isinilang naman ni Judy Ann Santos-Agoncillo ang bun­so nila ng husband na si Ryan Agoncillo na si Juana Lucia na may palayaw na Luna.  Kinabukasan, January 9 ay sumakabilang-buhay ang veteran singer-actress at matagal na naging co-host ni G. Orly Mercado sa Kapwa Ko, Mahal Ko nung dekada sitenta.  Cielito del Mundo was 80 at siya’y binawian ng buhay sa Phoenix, Arizona, USA.

January 10  isinilang ng dating EB Babes dancer at ex-wife ng actor na si Paolo Contis na si Lian Paz ang kanyang first baby sa kanyang bagong karelasyon ngayon na si John Cabahug, isang baby girl na si Nina Angela Cabahug.

January 16 naman isinilang ng misis ng actor na si Patrick Garcia ang second baby nila ng kanyang wife na si Nikka Martinez-Garcia na kanilang pinangalanang Patrice. Ang kanilang panganay ay isa ring girl, si Chelsea. Sa araw ding ‘yun sumabog ang most celebrated break-up nina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban na sinundan naman ng paghihiwalay nina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo noong January 20, same day na nakunan naman ang ex-PBB housemate na si Wendy Valdez sa husband niyang si Norman Garcia.

January 21 nang isilang ni Katrina Farinas ang third baby nila ng actor na si Matt Evans na kanilang pinangalanang si Harper Madison.

January 24 naman isinilang ng 2011 Miss Universe 3rd runner-up na si Shamcey Supsup ang first baby nila ng husband niyang si Lloyd Lee na si Nyla Kelcey Lee na may palayaw na Nyke. Sa araw ding ito nag-propose sa aktres na si Ehra Madrigal ang kanyang Chinese boyfriend na si Tom Yeung na ginanap sa Dubai.

January 25 naman nag-propose si TJ Cruz sa dating La Diva member at Pinoy Pop Superstar winner na si Maricar Garcia habang nagbabakasyon ang magkasintahan sa Baguio for their 4th anniversary bilang magkasintahan.

January 27 nang ikasal ang mag-asawang Cristine Reyes at Ali Khatibi sa Balesin Island in Quezon.

January 29 nang sumakabilang-buhay ang ama ng Broadway star na si Lea Salonga, si Rear Admiral Feliciano Salonga, dating SBMA chief.

And on January 30, ikinasal muli sa ikalawang pagkakataon ang veteran singer-composer-comedian, TV host at producer na si Vic “Bossing” Sotto kay Pauleen Luna na ginanap sa St. James The Great Parish sa Ayala, Alabang.  Ito rin ang araw na ikinasal ang couple na sina MJ Marfori ng TV5 at ang GMA reporter na si Oscar Oida.

Tatay ni Julia lumayas na rin agad!

Kumpleto na ang pagkatao ngayon ng mahusay na Kapamilya young actress na si Julia Montes dahil nakilala na niya ang kanyang biological dad, ang German national na si Martin Schnittka.

Baby pa umano noon si Julia nang iwan siya at ang kanyang ina ng kanyang ama (na isang deaf-mute tulad ng kanyang ina) at magmula noon ay hindi na nila ito nakita at nabalitaan pa.

Habang lumalaki si Julia ay hindi nawaglit sa kanyang isipan na sana’y makita at makilala ang kanyang ama.

Sa tulong ng kanyang pinsan na si Michelle at fans (nina ni Coco Martin)  at sa mahabang panahong ginugol sa social media, na-trace nila si G. Martin Schnittka at noong nakaraang Martes, December 27, nagkita ang mag-ama kasama ang bagong asawa ngayon ni Martin maging ang kanyang half-bother over dinner sa isang Italian restaurant in Cubao, Quezon City. Muling nasundan ang pagkikita ng mag-ama kinabukasan ng hapon.

Humingi umano ng tawad si Martin sa anak sa ginawa niyang pang-iwan sa kanila ng kanyang ina when she was still a baby.

Bumalik ng Germany si G. Martin at ang kanyang pamilya at si Julia naman ang nangako na dadalaw siya sa hometown ng kanyang ama next year.

Dahil sa pagkikita nina Julia at ama, marami tuloy ang nagtatanong kung ipinakilala ba ng young actress ang kanyang rumored boyfriend na si Coco Martin dito?

Hanggang ngayon ay wala pa ring pag-amin na nagmumula kina Coco at Julia tungkol sa estado ng kanilang relasyon although some people swear na matagal nang sila. 

vuukle comment

VIVA HOTBABE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with