^

PSN Showbiz

Sarah ayaw magbigay ng detalye sa sakit!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Nagulat ang mga tagahanga nang pumutok ang balitang pagkakaroon ng sakit ni Sarah Geronimo. Hindi man makapagbigay ng detalye ang aktres tungkol sa kanyang karamdaman ay wala naman daw dapat ikabahala ang kanyang mga tagahanga. “Okay naman, hindi naman po siya malalang sakit. Hindi na lang po ako magbibigay ng details pero inaayos naman po. Kailangan lang i-improve ‘yung health. Kailangan lang bigyan ng atensyon kung bakit nahihirapan sa ganito or sa ganyan,” makahululugang pahayag ni Sarah.

Dahil dito ay kinakailangan daw magpahingang pansamantala ng dalaga sa paggawa ng mga proyekto. “Magkakaroon lang ng bakasyon. This month of July hanggang sa August, magbabakasyon lang. Baka po may out of the country rin. Pahinga lang,” pagtatapat ni Sarah.

Samantala, natutuwa naman daw si Sarah sa tuwing napapanood si Sharon Cuneta sa The Voice kung saan ay ang Megastar ang pumalit sa kanya bilang coach. “Napanood ko ‘yung pilot episode, masaya. Siyempre nami-miss ko pero I’m happy na si Ms. Sharon ang nandoon kasi napaka-refreshing makita ni Ms. Sharon na lumabas ‘yung napaka-youthful na side niya, napaka-humble, napaka-charming kung paano niya kausapin ang mga bata. Natural lang,” paglalarawan ng aktres.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto raw bumalik ni Sarah sa nasabing programa para sa mga susunod na season nito. “Hopefully po, sana. Thank you para po sa lahat na patuloy pa rin na sumusuporta at rumerespeto sa akin,” giit niya.

Enchong todo support sa halikan nila ni Kiray

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkatambal sa pelikula sina Enchong Dee at Kiray Celis. Mayroong kissing scenes ang dalawa sa I Love You To Death na mapapanood na sa mga sinehan simula July 6.

Ayon sa aktor ay hindi raw marunong humalik si Kiray kaya nagtagal kunan ang kanilang eksena. “Ano siya, hindi siya sanay. Sobrang hindi siya sanay. Naiintindihan ko naman. sabi niya parang lumaki siya at saka tumanda siya sa business na hindi naman siya romantic. So hindi siya sanay sa ganoon,” nakangiting kwento ni Enchong.

Dumating na raw sa punto na tinukso na ng kanilang production staff si Kiray dahil nahirapan silang kunan ang kissing scenes. “Inaasar na siya ng mga staff kasi hindi niya magawa. Pero sabi ko, I will just stay there, hindi kita pagtatawanan. I will be your supporter, I will be your man to lean on. Kasi ‘yung ganoon, sensitive ‘yung ganoong eksena,” pagbabahagi ni Enchong.

Samantala, bukod sa bagong pelikula ay mapapanood na rin ang aktor bilang host ng AgriCOOLture na mapapanood sa Knowledge Channel. Magsisimula ang nasabing educational show sa July 19.

vuukle comment

RALPH MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with