^

PSN Showbiz

Zanjoe babalik na sa pagpapatawa!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Babalik sa entablado ng Banana Sundae ang Tubig at Langis star, at dating mainstay na si Zanjoe Marudo kasama ang isang special pre­sidential Deal or No Deal na tiyak na magpapatawa sa mga manonood. Si Randy Santiago naman ay makikipagkulitan sa Baby Luv segment at muling magkakaroon ng isang matinding Hugot Class sa hapon.

Samantala, ang kanilang kiddie counterparts sa Goin’ Bulilit ay gagawan ng katatawanan ang Senate hearings kung saan pag-uusapan nila hindi ang mga isyu at mga problema ng bayan ngunit mga nursery rhymes sa Linggo (January 31) ng gabi. Nariyan din ang kanilang mga transportation jokes at gags na iikot sa mga taxi, mapasasakyan man, driver, o pasahero. Para naman sa kanilang Musical Hitback number, sasariwain ang kanta ni Lito Camo na Beep Beep Beep.

Ang Goin’ Bulilit ay nilikha ni Direk Bobot Mortiz at sa mga nakaraang taon ay naging training ground para sa mga bata na sa pagtanda nila’y nagiging malalaking pangalan sa industriya.

Hindi rin mawawala ang ibang bida sa Banana Sundae tulad nina John Prats, Ryan Bang, Sunshine Garcia, Aiko Climaco, Pokwang, Jessy Mendiola, JC De Vera, Pooh, Jobert Austria, at Badji Mortiz.

Ang Banana Sundae at Goin’ Bulilit ay mapapanood sa Linggo (January 31) at ang Home Sweetie Home naman ay sa Sabado.

vuukle comment

AIKO CLIMACO

ANG

ANG BANANA SUNDAE

ANG GOIN

BABY LUV

BADJI MORTIZ

BANANA SUNDAE

BEEP BEEP BEEP

BULILIT

DE VERA

MGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with