^

PSN Showbiz

Derek at Angelica, baka magkabalikan na?!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Hindi kaya sina Derek Ramsay at Angelica Panganiban ang mag-destiny? Kumalat kahapon na kumpirmado raw na split na sina Angelica at John Lloyd Cruz. Ito ay matapos magsalita si Derek na nabanggit sa kanya ni Angelica na hindi pa sila hiwalay ni JLC nu’ng presscon ng Love is Blind.

Oh baka naman ang nasabing kuwento ni Derek ang dahilan ng separation ng dalawa nang malaman ni John Lloyd na nagkuwento ang girlfriend sa ex? Hahaha.

At sina John Lloyd at Bea Alonzo naman ang magkapalaran?

Kaloka, may puwede bang kumontra sa kapalaran? Choz lang.

But anyway, tingnan natin kung magsasalita si Angelica or si JLC sa nababalitang kumpirmadong hiwalayan nila.

Aktor inaway-away ang manager nang ilipat ng TV network

Nakakaloka ang kuwento ng isang talent manager tungkol sa alaga niyang actor na inilipat niya ng TV network.

Nasa dalawang programa ang actor sa lalayasan niyang network. Pero parehong matatapos na kaya nag-decide ang talent manager na ilipat ito ng network para hindi ito mapahinga.

Pero masama pala ang loob ng actor at hindi ito pabor sa ginawa ng kanyang manager. Pinag-aawayan umano ng TM at ng kanyang alaga ang ginawa ng una dahil masama sa loob ng actor ang nangyari.

Pero wala raw nagawa ang actor dahil may kontrata na sila kaya ginawa na lang ni actor ang nasabing serye.

Hanggang sa taping day daw ay tuloy ang pag-i-emote ni actor pero wala na siyang magawa.

Ang reklamo naman daw ng actor ngayon ay ang ingay ng isa sa mga bida ng pelikula na ikinaiinis niya. “Wala na siyang magagawa. Kesa wala siyang trabaho agad, hahaha,” sabi ni talent manager na kasa-kasama ko ng ilang araw.

Gloc-9 may patama sa mga puro dakdak

Buti pa si Gloc-9 hindi particular sa pera. Ito ay matapos siyang mag-release ng kantang Pareho Tayo early this month na free for all. Yup, as in walang charge ang mga gustong marinig ang kanta. “Gusto ko namang makabayad sa mga nagmamahal sa musika ko,” pakli ni Gloc-9.

Internet connection lang ang katapat  at puwedeng-puwede nang marinig ang bago niyang kanta. Actually, hindi ito ang unang pagkakataon na nag-release ang rap icon ng independent song. Last year, inilabas na niya ang kantang Payag, isang pagtatangkang mas maintindihan kung bakit iisang klaseng pulitika ang laging kinakaharap ng mga Pilipino, kahit na ito ring pulitikang ito ang dahilan ng kahirapan. Walang binabanggit na pangalan sa Payag pero patungkol ito sa klase ng pulitika na puro pa­ngako at dakdak lang.

Pero ang Pareho Tayo ay kakaiba sa naunang Payag. Bagama’t nakatungtong pa rin ito sa katotohanan ng maghihirap na lipunan, mayroon itong maaninag na posibilidad ng pagbabago. Binuo ni Gloc-9 ang Pareho Tayo sa isang lugar at panahon kung saan ang mga karapatang mag-aral at magpaospital ay hindi prebilehiyo, kung saan walang diskriminasyon base sa kulay ng balat, sa pagkain sa ating lamesa, sa ating kinabibilangang lipunan.

Kaya sa mga ‘di pa nakakapag-download sa Pareho Tayo, libre lang ‘to. Makaka-relate kayo.

vuukle comment

ACIRC

ACTOR

ANG

ANGELICA PANGANIBAN

GLOC

ITO

JOHN LLOYD

NBSP

PAREHO TAYO

PAYAG

PERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with