^

PSN Showbiz

Kaya mapili, Direk Erik hinihintay talaga si Angel

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Kung magpapatuloy sa kanyang pagiging mapili sa paghahanap ng artistang babae para gumanap na Darna na pinagpipyestahan na ang teaser ngayon sa mga sinehan, baka abutin ng matagal si direk Erik Matti para masimulan ang pelikula. O talaga lamang hinihintay niya ang availability ni Angel Locsin na matapos sa kanyang medical treatment sa spine para makuha niya para maging Darna muli? Sa tagal ng pamimili niya ay baka maabutan pa niya ang paggaling ng aktres.

Bagaman at medyo masakit para sa mga naiprisintang mga artista ang ginawa niyang pagtanggi, may karapatan ito na panindigan ang mga katangiang hinahanap niya sa kanyang Darna.

Ilan sa mga suggestion na tinanggap niya para maging Darna ay ang kahihirang pa lamang na Miss Universe na si Pia Wurtzbach. Pero maging ang kontrobersyal na beauty queen ay hinindian din ni Matti. Katwiran niya ay hindi Pinay ang hitsura nito at talagang tisay na tisay ang dating.

May nag-suggest din sa pangalan ni Jennylyn Mercado, pero, syempre hindi siya pwede dahil Kapuso siya! Ang Darna ay isang proyekto ng Kapamilya.

Claudine walang oras sa bintang na unprofessional siya

Tama lang si Claudine Barretto na dedmahin ang isyu na ibinabato sa kanya na pagiging unprofessional. “Sa rami ng iniisyu sa akin, ‘yung pagiging unprofessional ay lubhang napakaliit na lamang. Habang nakikita ko na wala namang reklamo ang mga nakakatrabaho ko, okay lang sa akin,” paliwanag ng magaling na artista.

Susan at Sheryl nagpansinan na

Muling napatunayan na blood is thicker than water nang magbatian at magyakapan ang magtiyahing Susan Roces at Sheryl Cruz. Hindi nagawang dedmahin ng Reyna ng Pelikula ang effort ng kanyang pamangkin nang magkita sila sa isang lugar na madalas nilang puntahang dalawa, nang hindi magkasama.

Kung may mas nabiyayaan sa pagbabati ng dalawa, ito ay si Sheryl na talaga namang matagal nang hinihintay ang pagkakataon na magkaharap silang magtiyahin na kailan lamang naganap.

Mark huhusgahan na kung kayang pagalitin ang mga manonood

Nakakatatlong araw pa lamang ang palabas na Wish I May nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali at hindi pa lumalabas ang mga character nila sa nasabing palabas, pero inip na inip na ang manonood na makita sila at malaman kung ano ba ‘yung medical procedure na kakaharapin nila at hahadlang sa kanilang magiging relasyon.

Inaabangan din kung mapapangatawanan ni Mark Herras ang kanyang kontrabida role. Versatile enough ba siya para magpagalit ng manonood?

vuukle comment

ANG

ANG DARNA

ANGEL LOCSIN

BIANCA UMALI

CLAUDINE BARRETTO

DARNA

ERIK MATTI

JENNYLYN MERCADO

MARK HERRAS

MGA

MIGUEL TANFELIX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with