^

PSN Showbiz

Claudia, agaw-eksena sa kasalang Eduardo-Amor

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ikinagulantang ng lahat ang pagbabalik ni Claudia (Angelica Panganiban) nang bigla itong humagulhol at umeksena sa mismong kasalan ng asawang si Eduardo at ni Amor.

Naantala nga ang kasal kung saan biglang nahimatay si Nanay Belen (Amy Austria) matapos ipahiwatig ni Claudia na wala siyang natatandaan sa kanyang nakaraan at kunwari’y hindi nakilala ang mga anak na sina Angelo (Daniel Padilla) at Lia (Andrea Brillantes).

Talaga namang inabangan ng Kapamilya vie­wers nationwide ang pagbabalik ni Claudia kung kaya’t pumalo ang episode ng national TV rating na 34.9% ayon sa datos ng Kantar Media.

Sa tuluyang pagpasok muli ni Claudia sa buhay ng kanyang pamilya, determinado siyang bawiin ang kanyang pamilya sino man ang masaktan. Ano na nga kaya ang kahahantungan ng relasyon nina Eduardo at Amor? Anu-ano pa nga ang kayang gawin ni Claudia mapaniwala lang ang lahat sa kanyang kondisyon?

Huwag palampasin ang classic love story  Pangako Sa ’Yo, gabi-gabi pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN Primetime Bida.

 

vuukle comment

AMY AUSTRIA

ANDREA BRILLANTES

ANG

ANG PROBINSYANO

ANGELICA PANGANIBAN

CLAUDIA

DANIEL PADILLA

EDUARDO

KANTAR MEDIA

NANAY BELEN

PANGAKO SA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with