^

PSN Showbiz

Jericho at John Lloyd, mukhang maglalaban sa pagka-best actor

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

Personal pang binili, Maine pitsel ang iniregalo kay Alden

PIK: Sa mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival na napanood namin, mukhang matin­di ang labanan sa Best Actor nina Jericho Rosales ng Walang Forever at John Lloyd Cruz ng Ho­nor Thy Father.

Nung unang napanood namin ang Honor Thy Father, nakikita naming malaki talaga ang laban ni John Lloyd. Pero nang napanood namin sa special screening ng Walang Forever si Jericho Rosales, parang mas type naming manalo si Echo.           

Napakagaling niya sa naturang pelikula at kahit si Jennylyn Mercado ay napakagaling din na mukhang two in a row siya sa Best Actress.

Ang pelikulang Walang Forever ay binigyan ng Grade A ng Cinema Evaluation Board.

PAK: Nakakaaliw sina Alden Ri­chards at Maine Mendoza sa holding area ng Cinema 9 at 10 ng SM Megamall sa premiere night ng pelikula nilang My Bebe Love #KiligPaMore nung kamakalawa ng gabi.

Doon binigay ni Maine ang Christmas gift niya kay Alden. Nagulat ang Pambansang Bae nang binuksan ang regalo na isang blue na pitsel.

Iyon pala sa loob ng pitsel ay isang Rayban shades na personal na binili ni Maine.

Nalaman kasi ni Maine na nawala ang shades ni Alden nung nag-promote sila ng pelikula sa Cebu at tumuloy sa Davao.           

Napansin daw niyang aligaga si Alden sa paghanap ng kapalit kaya siya na mismo ang bumili. Nakakaloka lang ang ideya ni Maine na ilagay sa pitsel para panggulat lang daw.

Nag-iisip pa raw si Alden ng ibibigay niyang Christmas gift sa ka-loveteam.

Klik na kilik sa mga manonood at buong AlDub nation ang My Bebe Love dahil nandiyan talaga ang kilig sa kanilang dalawa at pati pa kina Vic Sotto at AiAi delas Alas.

BOOM: Nagkausap na pala sina Pauleen Luna at Pia Wurtzbach kamakalawa ng gabi pagkatapos niyang tanghaling Miss Universe 2015.

Sabi ni Pauleen, nanibago raw siya kay Pia nung nagkausap sila dahil parang napakapormal daw nito at kalmadung-kalmado.

Hanggang nung oras na iyun ay hindi pa rin daw nagsi-sink in sa bestfriend niya na Miss Universe  na pala ito.

Kuwento nga raw ni Pia sa kanya nung pumupunta raw siya sa gitna ng stage para ipatong ang korona, hindi raw niya maintindihan ang nararamdaman niya nung oras na iyun.

Pero gustong iparating daw ni Pia sa mga ka­babayan ang buong pusong pasasalamat sa mga suportang ibinigay sa kanya.

Ramdam daw niya ang suporta ng mga kaba­bayan natin na nanood sa Las Vegas at suporta sa kaya sa online voting.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RI

ANG

BEST ACTOR

BEST ACTRESS

JERICHO ROSALES

MISS UNIVERSE

MY BEBE LOVE

NBSP

STRONG

WALANG FOREVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with