^

PSN Showbiz

Kahit may sakit, Gabby Concepcion tinapos ang taping

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ibang klase talaga ang dedikasyon sa trabaho ng Kapusong si Gabby Concepcion. Kahit pa may sakit kahapon dahil sa pagsusuka at pananakit ng tiyan ay hindi ito nagdalawang-isip na ituloy ang taping para sa serye niyang Because of You. Napaka-professional talaga ng actor na hindi ininda ang kanyang karamdaman at tinapos ang kanyang taping. Kaya naman hangang-hanga sa kanya ang kan­yang mga co-stars sa serye pati na rin ang production dahil hindi ito nagreklamo.

Hindi maikakailang inspirado talaga si Gabby na magtrabaho dahil sa tagumpay ng kanyang kauna-unahang serye sa GMA 7, ang Because of You. Masayang-masaya siya dahil sa nag-uumapaw na suporta at papuri ng manonood sa programa lalo na sa tambalan nila ni Carla Abellana na kinahuhumalingan ngayon ng viewers pati na rin ng netizens. Kaya naman tutok siya na lalo pang pagbutihin ang kanyang trabaho para lalo niyang mapasaya at mapakilig ang manonood gabi-gabi sa Because of You.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BECAUSE OF YOU

CARLA ABELLANA

GABBY CONCEPCION

IBANG

KAHIT

KAPUSONG

KAYA

MASAYANG

NAPAKA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with