^

PSN Showbiz

#BiyahengPinas pinainit ni Piolo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagpakitang-gilas ng katatagan sa pangu­nguna sa buong Pilipinas ang ABS-CBN sa pamamagitan ng #BiyahengPINAS trade event ng ABS-CBN Regional. Ang trade event na ginanap sa White Space Manila ang nagsilbing pagbibigay-salamat ng Kapamilya network sa kanilang mga masugid na advertisers sa mga programa ng ABS-CBN at ABS-CBN Regional.  “Gustong bigyan ng ABS-CBN Regional ang mga loyal Kapamilya viewers sa mga probinsya nang kung ano ang dapat naming ihandog sa kanila: mas magagandang regional shows para i-showcase ng bawat lokal, bawat probinsya kung ano ang kaya nilang gawin, maging sa masasarap na pagkain man o sa mga tana­wing napaka-ganda. Gusto rin naming magpasalamat, sa pamamagitan ng #BiyahengPINAS, sa aming mga business partners at advertisers na masugid na sumusuporta sa programa namin,” sabi ni ABS-CBN Regional head Atty. Abigail Querubin-Aquino.

Sa kainitan ng #BiyahengPINAS, nagtilian lalo ang mga guest ng ABS-CBN Regional ng maglabasan ang mga Kapamilya hunks na pinangunahan ni Piolo Pascual, ang Pasion De Amor leading men na sina Jake Cuenca, Ejay Falcon, at Joseph Marco. Nagwala ang audience nang makisalamuha ang mga artista at nakipag-picture pa. At para sa mga kala­lakihan, nagbigay ng napakainit na opening number si Maja Salvador. Si Matteo Guidicelli naman ang nag-closing number sa pamamagitan ng pangha-harana niya sa mga dumalo sa trade event. Hindi rin naman nagpahuli ang Pangako Sa’ Yo actor Joem Bascon, Banana Sundae funnyman Jason Gainza, at ang young love team nina Joshua Garcia at Loisa Andallo ng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita.

 

vuukle comment

ABIGAIL QUERUBIN-AQUINO

ABS

ACIRC

ANG

BANANA SUNDAE

CBN

EJAY FALCON

JAKE CUENCA

JASON GAINZA

KAPAMILYA

MGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with