^

PSN Showbiz

Showtime isasabong ang #Hashtags!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Bakit hindi mo sasabihing maswerte ang pinagsamang grupo ng regular at teen housemates ng PBB 737, eh hindi pa man nalalaunan ay meron agad silang trabaho sa ABS-CBN. Ang big winners tulad ng Pinay entertainer sa Japan na si Miho Nishida at ang rapper na taga-Nueva Vizcaya na si Jimboy Martin ay bahagi na ng programang It’s Showtime. Kasama nila ang kanilang tigatlong runners up na nagpapatatag sa programa.

Hindi pa man nag-iinit si Jimboy sa IS ay napili na ito para maging bahagi ng #Hashtags, isang all-male group na inaasahang magdadala ng kilig at magpapainit sa tanghali ng madlang people na ipantatapat sa kalabang programa. Sina Zeus Collins, Tom Doromal, at Jameson Blake ang kinuha para makasama niya sa grupo. Magsisilbing lider si Zeus ng grupo. Bago pasukin ang showbiz, nakilala na ito bilang God of the Dancefloor at sumasali na sa maraming pakontes sa sayaw para kumita para sa kanyang pamilya.

Baka makasama rin sa grupo sina Tommy, Franco, at Bailey, pero dumaraan pa rin sila sa matinding screening sa ngayon.

Samantala, ang iba pang miyembro ng #Hashtags ay ang mga Star Magic artists na sina McCoy de Leon, Paolo Angeles, Jon Lucas, Ryle Santiago pamangkin ng Santiago Brothers na sina Ro­well, Raymart, at Randy, Ronnie Alonte at ang grand finalist ng Gandang Lalake segment ng IS na sina Nikko Natividad at Luke Conde.

Pinakamagaling sumagot sa grupo si Ryle, si Jameson ang bagong endorser ng isang popular na softdrink. Boyfriend naman ni Vice Ganda sa MMFF (Metro Manila Film Festival) movie niyang Beauty and the Bestie si Nikko at nakalabas na sa mga serye ng ABS-CBN sina McCoy (Be Careful With My Heart) at Paolo (Mirabella).

Manonood nabalisa sa haba ng acceptance speech ni Sheryl

Nagsilbing highlight ng 7th Star Awards for Music na ginanap nung Nob. 10, at mapapanood sa huling linggo ng buwang ito sa Sunday’s Best ng ABS-CBN ang tila pagtatapat ng tatlong pinakamagagaling na banda sa bansa, ang The Dawn, Calla Lilly, at ang banda ni Gloc-9. Nagpatalbugan ang tatlong grupo ng musikero na pinangunahan nina Jet Pangan, Kean Cipriano at Gloc-9, pero ang talagang pinalakpakan nang husto at nakakuha ng SRO audience ng KIA Theater ay ang performances nina Morisette Amon at KZ Tandingan na siya marahil maituturing na pinakasikat na singer ngayon sa bansa kasama si Darren Espanto.

Surprise winner of the evening ang magaling na aktres na si Glaiza de Castro na tinanghal na Rock Artist of the Year. Nainip naman ang lahat sa haba ng acceptance speech ni Sheryl Cruz. Nagsisimula nang mabalisa ang audience nang makatapos itong magsalita.

Magaling sa trabaho niya bilang DJ si Tom Taus. Gusto pa sanang marinig nang husto ang expertise niya sa kanyang DJ box, pero unfortunately, he was there to help Kim Chiu and Enchong Dee to host the show at ginawa niya ito sa paraang alam na alam niya at gusto ng manonood.

Wagi ang Airtime Marketing ni Tess Celestino Howard na siyang nagprodyus ng awards night sa direksyon ni Bert de Leon.

JM at Jessy nangangamoy giyera na

Hindi na maganda ‘yung nagyayaring sagutan nina JM de Guzman at Jessy Mendiola sa Instagram. Parang nagbabadya ito ng isang malaking away na mapanood ng mga tagasubaybay ng local showbiz lalo’t ang sangkot ay da­ting mag-boyfriend. Tsk. Tsk. Tsk.

Sinundan ang misis na si Mariel, Binoe balik-Kapamilya na rin

Hindi lamang ang misis niyang si Mariel Rodriguez ang balik-Kapa­milya kundi maging si Robin Padilla rin. Dalawang taong muling magtatrabaho si Binoe sa Kapamilya Network. Itinaon niya ang pagpirma niya ng kontrata sa kanyang birthday this month. Nauna nang mapanood si Mariel sa PBB 737.

vuukle comment

ACIRC

AIRTIME MARKETING

ANG

BE CAREFUL WITH MY HEART

BEAUTY AND THE BESTIE

CALLA LILLY

DARREN ESPANTO

GANDANG LALAKE

GLOC

GOD OF THE DANCEFLOOR

HASHTAGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with