^

PSN Showbiz

Carla at Tom walang katapusan ang lampungan sa set

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matapos ang box-office success ng  pinag-usapan na romantic-comedy na The PreNup nina Jennylyn Mercado at Sam Milby mula sa Regal Entertainment, ang kakaibang pag-iibigan tungkol sa high school crush movie na No Boyfriend Since Birth naman ang magpapakilig at magdudulot ng ligaya sa  mga romantiko na moviegoers sa Nobyembre 11.

Nagbabalik sa Joey Reyes movie ang isa sa well-loved loveteams ngayon na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez.  Gaya nang una nilang pagtatambal sa big screen sa kilig movie na So It’s You, dobleng lambingan at nakakatuwang mga eksena ang hatid nilang dalawa sa NBSB. Nilahukan pa ito ng dagdag na hugot lines mula sa isang babaeng (Carla) hoping na magiging destiny niya ang kanyang high school crush (Tom).

Swak na swak nga si Carla sa role na forever in love at hoping na mapapansin siya ng high school crush. Iba’t ibang drama, sari-sariling pakulo ang ginawa niya upang mapansin at mapaibig ang sikretong pag-ibig. Kaya naman ang Director ng movie, saludo sa husay ng aktres sa mga eksenang habul nang habol sa minamahal.

Lutang na lutang naman ang kakisigan ni Tom sa NBSB. Nakaka-in love ang presence niya sa bawat eksena at walang let down ‘yung simpleng pang-aakit niya kay Carla.

Eh, sa personal nilang buhay, aminado naman si Tom na sincere ang pagi­ging malapit niya kay Carla.  Exclusively dating ang tawag sa relasyon nila at nakatuon ang atensyon nila sa isa’t isa kahit kulang na lang ay aminin na nila ang kanilang relasyon.

Saksi nga ang staff ng movie sa walang katapusang lambingan nila. Kaya si Direk Joey, effortless na idirek sila sa mga romantiko nilang eksena!

No wonder, light and easy lang ang feeling ni Direk Joey habang sinu-shoot ng movie. Sanay man siya sa rom-com movies. And for the first time, hindi si Direk Joey ang sumulat ng kuwento ng NBSB.

“Sa movie, inilay ng isang babae ang pag-ibig at pagmamahal sa kanyang high school crush sa paniniwala na kung sapat ang iyong pananampa­lataya, sa tagumpay ng true love, magwawagi at magwawagi hanggang sa katapusan! Maraming taong makaka-relate sa movie.  Ilan na ba ‘yung nagkaroon ng crush o umibig sa tao na hindi tayo pinapansin o binibigyan ng wastong pakikitungo?

“Kaya ang Filipino addicted sa rom-com kasi it gives the spirit of fun at makakalimot ka ng problema mo habang naaalala mo ‘yung karanasan mo nu’ng kabataan mo karanasang pinagdaraanan,” pahayag ni Direk Joey sa mensahe ng pelikula.

Napansin din niya ang magkaibang mundo ni Carla sa shooting ng movie. “Carla is different when she’s alone and when she’s with Tom. I know that they get along together in the same way that they are with others! They’re close! More than friends. I think one look at them, you will know who they are and what they are! ” saad ni Direk Joey sa Carl-Tom loveteam.

Ang No Boyfriend Since Birth ay magkakaroon ng premiere night sa November 8, Sunday sa SM Megamall.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANG NO BOYFRIEND SINCE BIRTH

CARLA

CARLA ABELLANA

DIREK JOEY

JENNYLYN MERCADO

JOEY REYES

KAYA

MOVIE

NO BOYFRIEND SINCE BIRTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with