^

PSN Showbiz

Ningning at Macmac, mangunguna sa isang wedding proposal

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang mabuting dulot ng pagiging masipag at walang humpay na pagtitiyaga para matupad ang mga pangarap sa buhay ang mga aral na ipapakita ngayong linggo sa top-rating Kapamilya tanghali serye na Ningning sa pagtakbo ng kwento ng tatay ni Ningning (Jana Agoncillo) na si Dondon (Ketchup Eusebio).

Susubukin ni Dondon na mag-experiment gamit ang pagluto ng daing na ibinabad sa barbecue sauce matapos payuhan ni Lolo Kiko (Freddie Webb) na dapat hindi matakot makipagsapalaran sa larangan ng negosyo. Dahil masasarapan ang mga mag-anak ni Dondon sa experiment, ibebenta niya ito nang maramihan at tatawaging Daing Q sa tulong ni Lolo Kiko.

Sa una, maraming pagsubok ang pagdaraanan ni Dondon sa pagiging negosyante niya, ngunit sa huli ay magbubunga rin ang kanyang sipag at tiyaga.

Matapos namang maliwanagan si Otep (Vandolph Quizon) ni Lolo Kiko na dapat emotionally and financially ready bago magpakasal, magdedesisyon itong mag-propose kay Eva (Mercedes Cabral). Para mas maging espesyal at nakakatuwa ang wedding proposal ni Otep, tutulong ang mga chikiting na sina Ningning at Macmac (John Steven de Guzman) para makuha ng kanilang kuya Otep ang matamis na ‘oo’ ni Eva.

Paano kaya malulusutan ni Dondon ang mga pagsubok bilang bagong negos­yante? Anong mga ideya sa surprise wedding proposal ang gagawin nina Ningning at Macmac? Abangan ngayong linggo sa  Ningning, Lunes hanggang Biyernes bago mag It’s Showtime sa ABS-CBN.

 

vuukle comment

ANG

DAING Q

DONDON

EVA

FREDDIE WEBB

JANA AGONCILLO

JOHN STEVEN

KETCHUP EUSEBIO

LOLO KIKO

NINGNING

OTEP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with