^

PSN Showbiz

Carla halos aminin na si Tom

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Halos inamin na rin nina Tom Rodriguez at Carla Abellana na sila na nang inurirat nang husto sa presscon ng pelikula nilang No Boyfriend Since Birth na magsu-showing na sa November 11.

Sabi ni Carla, “Tom is always special to me and Tom always says I’m special to him.

“Lagi naman po namin sinasabi na kung ano ang gusto n’yong isipin, kung ano po ang gusto n’yong itawag sa amin okay lang po. Nasa sa inyo po ‘yun, Kayo po ang magbigay ng label.”

Hindi naman daw sila nagsasayang ng oras nila kung hindi sila special sa isa’t-isa.           

Exclusively dating naman daw silang dalawa, at kung tingin ng mga taong sila na nga, eh ‘di sila na nga!

Masaya naman daw sila sa kanilang relasyon at nakikita naman ito sa pelikula nilang dalawa.

PAK: Kinumpirma na ni direk Gil Portes na nag-withdraw na ang entry nilang Hermano Puli sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Bahagi ng text ni direk Gil na ipinorward sa amin nung kamakalawa lang; “I am emailing a letter of withdrawal for HERMANO PULI in the MMFF.

“God knows I gave my best to get investors, but it’s not meant to be produced now.”

Ginawan na rin ni Aljur Abrenica ng paraan na makakuha ng tulong mula sa mga kaibigan pero hindi pa rin natuloy.

Nakakapanghinayang daw sana itong project na pakawalan pero hindi talaga kinaya.

BOOM: Hindi na muna nag-Eat Bulaga si Allan K kahapon dahil kailangan niya munang magpahinga pagkatapos maaksidente sa ta­ping ng Vampire ang Daddy Ko  kamakalawa ng gabi.

Kuwento ng aming source, sa taping daw sila ng Vampire naaliw si Allan K sa kalalaro sa Hovertrax niya, biglang tumimbuwang ito dahil nawalan ng balanse.

Malakas daw ang pag­kabagok ng ulo niya kaya isinugod ito ng hospital. Natakot daw sila at baka naapektuhan ang utak nito, pero nang ipa-CT scan daw nila siya, wala naman silang nakitang diperensya. Pero matagal bago nahimasmasan si Allan K.

Nang umokey na ito, inabot ng kantiyaw si Allan dahil sa edad daw niyang iyon ay naghu-Hovertrax pa na pambagets lang.

Nabuking tuloy namin ang tunay na edad ni AK na game na game pa ring mag-Hovertrax.

vuukle comment

ACIRC

ALJUR ABRENICA

ALLAN K

ANG

CARLA ABELLANA

DADDY KO

DAW

EAT BULAGA

HOVERTRAX

NBSP

SILA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with