^

PSN Showbiz

Matibay ang pundasyon sa asawa: Female personality sinupalpal ang mga manghuhula!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Talagang palaban sa buhay ang isang female personality. Nagdesisyon siyang mag-asawa sa napakabatang edad, maraming nagpanggap na ma­nghuhula nu’n, hindi raw sila magtatagal ng lalaking non-showbiz na pinili niyang pakasalan.

Pero mali ang lahat ng humula, hanggang nga­yon kahit palagi silang kapos sa pinansiyal ay lumalaban sila nang magkahawak-kamay, matibay ang pundasyon ng kanilang pagsasama.

Kahit nu’ng bata pa ang female personality ay talagang palaban na siya. Mahihina ang loob ng kanyang mga kapatid, pero iba siya, sa meron at sa wala ay matatag ang loob niya.

Kuwento ng isang nakasaksi sa katapangan ng female personality, “Mga bata pa silang magkaka­patid nu’n, alam mo nang siya ang pinakabuhay ang loob. Matiisin siya, mapagsakripisyo, para siyang kangkong na kahit saan mo itapon, tutubo siya.

“Walang-wala ang nararanasan niya ngayon sa mga pinagdaanan niya. Pumapasok siya sa school nang walang baon, nakikikain lang siya ng lunch sa mga kaklase niya, naglalakad siya papasok at pauwi.

“Kaya nasanay na siya sa hirap, kaya niyang lampasan ang mga kakapusan nilang mag-asawa ngayon, hindi siya mapaghanap. Marunong siyang makipaglaban sa buhay,” kuwento ng aming impormante.

Kahit anong raket lang basta legal ay hindi pinalalampas ng female perso­nality. Ang kanyang mister naman ay kumikilos din kahit kulang na kulang ang kinikita nito para sa kanyang lumalaki nang pamilya.

Para sa kanyang pagtatapos ay sinabi pa ng aming impormante, “Wala na sa bokabularyo niya ngayon ang takot ako, e! Walang-wala na! Laban kung laban ang nasa utak niya, napakatapang talaga ng babaeng ‘yun!”

Ubos!

Dapat talagang simyentuhan ang puso, Sen. Grace pinupuruhan at tinututukan ng mga kalaban

Kailangang semyentuhan ni Senadora Grace Poe ang paligid ng kanyang puso nga­yon dahil sa dami na ng nag-file ng asunto para sa kanyang disqualification sa pagtakbong pangulo sa darating na halalan.

Talagang siya ang pinupuruhan at tinututukan ngayon ng kanyang mga katunggali sa posisyon. Bakit nga naman hindi, siya ang palaging number one sa survey, mabangung-mabango ang kanyang imahe at meron na siyang napatunayan bilang senador.

Manginginig nga sa nerbiyos ang mga makakaagawan niya sa posisyon, idag­dag pa na anak siya ng mga sikat na pigura sa lokal na aliwan, hindi maihihiwalay ang pangalan ni Senadora Grace Poe sa namayapang Action King na si Fer­nando Poe, Jr. at sa Reyna Ng Pelikulang Pilipino na si Ms. Susan Roces.

Maraming nagpapa-disqualify kay Senadora Grace, kung ano’ng motibo ng mga kumukuwisiyon sa kanyang pagiging tunay na Pilipino ay siguradong meron, kaya nga lang ay hindi pa lumulutang ngayon.

Pero mabilis bumasa ng motibo ang ating mga kababayan, mulat na mulat na ang mga botante ngayon, lagyan man ng piring ang kanilang mga mata at sumpalan man ang kanilang mga bibig ng pera ay susundin pa rin nila ang dikta ng kanilang puso.

Gasgas na linya, pero totoong-totoo, tanggapin ang pera kung kusang ibinibigay pero utak at puso pa rin ang mas pairalin sa pamimili ng kung sinong kandidato ang sa pakiramdam nati’y makapagbibigay ng pagbabago sa kahirapang dinaranas ngayon ng mas nakararaming Pinoy.

Sa tanong kung sinong kandidato ang magiging pinakaepektibong tagapamuno ng ating bayan sa darating na eleksiyon ay isang batang nakangiti ang sumagot, “Ako po.”

vuukle comment

ACIRC

ACTION KING

ANG

KAHIT

KANYANG

MGA

MS. SUSAN ROCES

NGAYON

NIYA

SENADORA GRACE POE

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with