^

PSN Showbiz

Kris exhausted, na-HB na naman!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hala, nag-shoot up na naman pala sa 150/100 ang blood pressure ni Kris Aquino na ibinalita niya sa kanyang Instagram account kahapon.

“150/100 before sleeping – na exhaust talaga,” sabi niya.

Kaya naman sinamahan daw siya ng kanyang anak na si Bimby sa taping kahapon para bantayan siya at siguruhing maaga siyang makakauwi para makapagpahinga.

The other day ay ibinalita niya sa kanyang Instagram account din na nag-taping siya ng limang episodes para sa programa niyang Kris TV kaya naman siguro tumaas na naman ang BP niya.

Anyway, isang follower naman niya ang nakapansin na nabawasan ang likers ni Kris sa Instagram.

May mga post daw siya na hindi na umaabot sa 10,000 ang likers. Samantalang, parang kailan lang ay almost 30K ang likers niya sa isang post.

Ito raw kaya ang ikinatatakot ni Kris kaya kamakailan ay urung-sulong siya sa pelikulang gagawin niya for MMFF (Metro Manila Film Festival)?

#AlDub napansin na sa Amerika

Napansin na rin ng Morning News USA ang hashtag na AlDub.

Nakalagay sa article kung paano nag-umpisa at naging popular ang kanilang loveteam. Ikinumpara pa sila sa onscreen chemistry nina  Emma Stone and Ryan Gosling sa Crazy, Stupid, Love although binanggit na wala pa silang nagagawang pelikula at napapanood lang sila sa mini-TV series na palabas tuwing lunch time.

Na-quote rin ang statement ng Twitter executive ng authenticity ng tweets para sa AlDub.

Naloka kasi siguro ang nasabing online news agency dahil almost three months na record breaking ang tweets for AlDub.

Lately, nakaka-million tweets din naman ang Pangako Sa ‘Yo at On The Wings of Love.

Grace na-starstruck kay Ningning

Nag-starstruck pala sa star ng Ningning na si Jana Agoncillo si Sen. Grace Poe.

Ipinost ni Sen. Grace ang picture nila ni Jana sa Instagram nang sila ay magkita sa isang okasyon.

“I met Ningning’s lead child actress today, it was so nice to see you Jana! You truly are a talented and smart young girl :) All the best dear :),” sabi niya sa caption ng nasabing larawan.

Naalala ko ang kuwento ng isang malapit sa senadora na ngayon ay kakandidatong presidente na minsan din naging child actress ang anak ni Da King Fernando Poe, Jr. at ng Reyna ng Pelikulang Pilipino na si Ms. Susan Roces.

Gumanap daw noon si Grace bilang anak ni Paquito Diaz sa pelikula ni FPJ na Durugin si Totoy Bato.

Bukod pa raw sa 1979 movie ng kanyang ama at ni Ms. Charo Santos, gumanap din si Grace na isang batang palaboy sa isa pang pelikula ni Da King na Dugo ng Bayan.

Ito siguro ang dahilan kung bakit malapit sa mga bata si Grace at naging adbokasiya na niya ang pagtatanggol sa mga karapatan ng mga bata bilang isang mambabatas.                                                  

vuukle comment

ACIRC

ANG

DA KING

DA KING FERNANDO POE

EMMA STONE AND RYAN GOSLING

GRACE POE

INSTAGRAM

ITO

NBSP

NINGNING

NIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with