^

PSN Showbiz

Grabeng maglihi John pinahihirapan ni Isabel

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Kahit naka-detain si Sen. Bong Revilla, marami pa ring binuong projects sina Cong. Lani Mercado at Cavite Vice Governor Jolo Revilla bilang bahagi ng selebrasyon ng 49th birthday nito.

Kahapon ay nagkaroon ng Dugong Alay Pandugtong sa Buhay blood-letting project sina Lani at Jolo kasama ang mga kaibigan at supporters nila na ginanap sa campus ng University of Perpetual Help sa Molino, Bacoor, Cavite.

Ang project na ito ang isa sa gustong gawin ni Sen. Bong tuwing birthday niya kaya sinikap nina Lani na matuloy ito sa tulong ng iba’t ibang hospital at sponsors na all-out ang suporta sa kanila.

PAK: Excited si John Prats na nagkuwento tungkol sa pagbubuntis ni Isabel Oli na hirap na hirap daw sa paglilihi ng asawa.

Nakatsikahan namin si John sa event ng Bench Quick Fix na ginanap sa SM Megamall kamakalawa ng gabi.

Sabi ni John, ang hirap daw maglihi ni Isabel dahil mahirap hanapin  minsan ang gusto niyang pagkain.

“Minsan 12 midnight pinapahanap niya ako ng arroz caldo ng isang food chain na may ganung promo.

“Pagpunta ko dun wala na ‘yung promo, sa promo lang kasi yun. Kaya sa iba na ako bumili, sinabi ko dun pa rin galing.

“Siguro ngayon alam na niya,” natatawang kuwento ng Kapamilya actor.

Ilan pa raw sa pinaglilihian ni Isabel ay Sky Flakes, doughnuts, na minsan pagdating daw sa kanya ay ayaw na nitong kainin.

Pati sa shampoo at pabango ay nagpalit daw siya dahil masyadong maselan sa amoy si Isabel. Mabuti na lang at wala raw siyang naamoy sa gel o clay ng Bench Fix na ginagamit niya, kaya okay lang.

Malaki raw ang nabago sa kanya nang magbuntis si Isabel dahil naging pasensyoso siya. Ngayon ay sa pamilya at sa magiging baby nila siya naka-focus, at naging matipid na raw siya.

BOOM: Inggit na inggit daw si Mo Twister kay Aljur Abrenica nang aminin ni Rich Asuncion sa guesting nito sa Goodtimes with DJ Mo na Podcast show na gifted si Aljur.

Diretsong tinanong ni DJ Mo si Rich kung daks ba si Aljur, mabilis ang sagot ni Rich ng, “I’m a big girl, I need a big one.”

Nagpahayag ng matinding pagkaiinggit si DJ Mo kay Aljur na sa gandang lalaki nito at ganda ng katawan, ay dakila pa pala.

Halatang walang-wala siya sa mga tinamong blessings na iyon ng Kapuso hunk actor.

vuukle comment

ACIRC

ALJUR

ALJUR ABRENICA

ANG

BENCH FIX

BENCH QUICK FIX

BONG REVILLA

CAVITE VICE GOVERNOR JOLO REVILLA

DUGONG ALAY PANDUGTONG

ISABEL OLI

JOHN PRATS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with