^

PSN Showbiz

Pambabastos kay Bangs, dadalhin sa korte

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Paano kung ang tagapagtanggol ang siyang maagrabyado?

Tunghayan ang naiibang laban ni Atty. Leila (Bangs Garcia) sa kanyang paghahanap ng hustisya sa pambabastos sa kanya ng mismong boss at abogado ring si Atty. Tuazon (Christian Vasquez) ngayong Sabado sa hit ABS-CBN legal drama na  Ipaglaban Mo.

Pinagsikapan ni Leila na makatapos ng abo­gasya nang sa gayun ay makatulong na siya sa kanyang pamilya at mapag-aral ang dalawang nakababatang kapatid. Pinalad naman siyang makapasok agad sa isang government office kung saan boss niya ang istriktong si Atty. Tuazon.

Hindi tumagal ay tila iba na ang pagtingin at pagtrato ni Atty. Tuazon kay Leila. Makailang be­ses siya nitong nababastos sa pamamagitan ng kanyang kilos at pananalita.

Umabot na sa sukdulan ang pagkamuhi ni Leila ng bigla itong halikan ni Atty. Tuazon sa harap mismo ng mga kaopisina. Dito na siya pumalag at nagsampa ng karampatang kaso.

Ano ang kahihinatnan ng laban ng dalawang alagad ng batas? Sino ang papanigan ng korte? Paano ipagtatanggol ni Atty. Tuazon ang sarili gayong isa rin itong magaling na abogado?

Kasama rin sa episode sina Roxanne Barcelo, Rochelle Barrameda at Simon Ibarra, sa ilalim ng direksyon ni Cathy Camarillo.

 

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

BANGS GARCIA

CATHY CAMARILLO

CHRISTIAN VASQUEZ

IPAGLABAN MO

LEILA

PAANO

ROCHELLE BARRAMEDA

ROXANNE BARCELO

TUAZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with