^

PSN Showbiz

Mayor Herbert nagpapayat para kay Kris

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Na-corner ng media si Quezon City Mayor Herbert Bautista sa 76th birthday ni Mother Lily Monteverde at anniversary ng Regal Films. Masaya nitong ibinalitang tapos na ang episode nila ni Maricel Soriano sa Viva Films movie na Lumayo Ka Nga Sa Akin na showing na sa October.

Kinumusta kay Herbert ang Metro Manila Film Festival (MMFF) entry nila ni Kris Aquino at ang alam niya, tuluy pa rin ito. Tatapusin lang ni Kris ang shooting ng Etiquette for Mistres­ses at saka sila magsu-shooting. In fact, nagpapayat na siya and from 145 lbs., 136 lbs., na lang ang timbang niya ngayon.

Wala pang final na sagot si Herbert kung tatakbo siyang senador o magsi-seek ng re-elec­tion as Quezon City Mayor. Sa mid-September pa raw ang final decision niya dahil as of now, wala pang sinasabi ang party niya.

Tinukso si Herbert na siya ang rason kung bakit Quezon City voter na si Kris at hindi na sa Makati City nakarehistro. “Taga-Quezon City naman talaga sila, but I’m happy na pinili niya ang Quezon City as her abode and residence,” sagot ni Herbert.

Susan proud sa edad na 74!

Iba talaga ‘pag reyna na ang nagsalita dahil nakikinig at nangyari ito sa renewal ng kontrata ni Susan Ro­ces sa Champion detergent. Tahimik ang press ‘pag sinasagot nito ang mga tanong at may instance na tina­maan ang press nang sagutin ni Susan ang isyu tungkol kay Sen. Grace Poe, may naluha at may kinilabutan at tumigil muna sa pakikinig.

Ibinalita ni Susan na 74 years old na siya at proud siya sa kanyang edad at sa maraming henerasyon na kanyang naabutan.

Narinig pala namin na ini-report sa TV ang pasasalamat ni Sen. Grace kay Susan sa mga ipinahayag nito.

Idinepensa naman ni Rizalino David ang sarili sa naging pahayag ni Susan. Hindi raw niya tinawag na ampon si Sen. Grace at hindi niya sinabing napulot ito nang ihain niya ang electoral offense laban kay Sen. Grace. Ang ganda sanang ma-interview muli si Susan tungkol dito.

Malinaw ang sinabi ni Susan na inirerespeto niya ang magiging desisyon ni Sen. Grace sa political career nito at susuportahan niya ang magiging desisyon ng anak.

Megan hindi nagseselos sa lampungan nina Mikael at Jennylyn

Nagkaroon ng chance si Tom Rodriguez na makausap si Dingdong Dantes at sabi nito, nagbigay pugay siya sa aktor na unang gumanap na Sergio Santibañez sa unang Filipino remake ng MariMar. Sa Belo 25th anniversary sila nagkita at natuwa si Tom dahil nag-express ng support si Dingdong sa kanila ni Megan Young.

Isa pang nagbigay ng suporta kay Tom ay si Mikael Daez na alam nating lahat kung ano ang role sa puso ni Megan. Good friends ang dalawa at nagkasama sa movie na Temptation Island, kaya walang selosang mangyayari. Kahit sa parte ni Carla Abellana na sinasabi namang girlfriend ni Tom.

Ipinarating pala namin kay Megan ang reaction ni Mikael na “ako nga hindi nagseselos” nang biruin namin kung hindi ba siya (Megan) nagseselos sa kissing scene nila ni Jennylyn Mercado sa My Faithful Husband. Ang ganda ng ngiti ni Megan, nangislap ang mga mata nito at ang facial expression ay parang sinang-ayunan ang binanggit ni Mikael na wala silang selosan pagdating sa trabaho.

Anyway, ang eight-pack abs ni Tom ang kanyang panlaban sa kaseksihan ni Megal sa MariMar. 

Sa August 24, ang pilot ng MariMar na sa halip na mapapanood pagkatapos ng 24 Oras, ay mauuna na raw ang Beautiful Strangers.

Heart inaabangan ang kuwento sa pelikula ni Dennis

Ang Felix Manalo na yata ang may pinakamalaking cast at may pinakamaraming guest stars sa isang local movie. Malalaking artista rin ang pumayag mag-guest. Ang maganda pa, hindi kailangang maging Iglesia Ni Cristo ang relihiyon para masama sa malaking cast at malaking pelikula.

Kung si Dennis Trillo ang gumaganap sa role ni Felix Manalo, si Gabby Concepcion naman bilang si Eraño Manalo at si Gladys Reyes bilang si Avelina Manalo, anak ni Ka Felix. Sina Glydel Mercado at Andrea del Rosario ang gumaganap bilang manugang si Ka Felix.

vuukle comment

ACIRC

ANG

FELIX MANALO

KA FELIX

MEGAN

MIKAEL

NBSP

NIYA

QUEZON CITY

QUEZON CITY MAYOR

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with