^

PSN Showbiz

Gelli consistent sa pagiging tagasalo

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Walang kaalam-alam ang actress-TV host na si Gelli de Belen na regular na siya sa ikatlong season ng daily morning reality/lifestyle program ng TV5, ang Happy Wife, Happy Life nang siya’y humarap sa presscon na i­pinatawag ng Kapatid Network kamakailan lamang.

Ang buong pagkakaalam ng misis ng singer-actor na si Ariel Rivera, pansamantala lamang siyang humahalili kay Mariel Rodriquez na may pinagdaraanan ngayon dahil sa pagkakalaglag sa ikalawang pagkakataon ng magiging mga supling na triplets pa sana nila ng mister na si Robin Padilla. Little did Gelli know na ginawa na siyang regular sa programa na tinatampukan din nina Danica Sotto-Pingris at LJ Moreno-Alapag.

Bago ang Happy Wife, Happy Life ay naging pinch-hitter din siya noon ni Amy Perez sa Face the People and eventually siya ang naging re­gular host ng programa na iniwan ni Amy nang ito’y magkaroon ng problema sa production staff at minabuting bumalik sa Kapamilya Network.

Balewala kay Gelli kung maging paborito man siyang pinch-hitter ng mga original host ng prog­rama dahil para sa kanya ay trabaho ito na inilapit sa kanya. Pero ang maganda, siya ang kinukuhang permanenteng kapalit.

Inamin ni Gelli na kahit mas bata ‘di hamak sa kanya ang kanyang mga kasama sa programa ay may natutunan umano siya sa mga ito ganundin naman ang kanyang mga kasamahan sa kanya.

Anak ni Gina late bloomer

Kahit kaisa-isa ang anak ng veteran award-winning actress na si Gina Pareño na si Racquel Pareño, sumusunod na rin ito sa kanyang mga yapak kahit late bloomer na ito pagdating sa kanyang acting and showbiz career.

Malaki ang pagkakahawig ni Racquel sa kanyang inang si Gina at mapapagkamalang mag-ate lamang ang mga ito.

“Mas active sa stage plays si Racquel but she also wanted to try it out sa telebisyon at pelikula na unti-unti na niyang ginagawa,” pagmamalaki ng inang si Gina.

Kung magaling umarte si Gina, hindi rin nagpapahuli si Racquel.

“Pati laki ng boobs ko minana niya,” natatawang pahayag ni Gina na huling napanood sa nagtapos na Let the Love Begin.

“Siyempre bilang ina, gusto ko ring maging successful ang anak ko sa la­rangang pinasok niya,” ani Gina nang ito’y maging panauhin namin ni Kuya Germs (Moreno) sa Celebrity Talk segment ng Walang Tulugan with the Master Showman.

vuukle comment

ACIRC

AMY PEREZ

ANG

ARIEL RIVERA

ATILDE

CELEBRITY TALK

GELLI

GINA

HAPPY LIFE

HAPPY WIFE

RACQUEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with