^

PSN Showbiz

Marian ingat na ingat kahit sa spray net

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Pinagpalang buntis si Mrs. Marian Rivera Dantes.

Three months na lang at manganganak na siya, pero wala pa ring kamanas-manas at hindi man lang nangingitim ang kili-kili, leeg o tiyan man lang. Ni walang kamut, as in pantay pa rin ang kulay ng balat ng aktres.

Karaniwan sa mga babaeng buntis, ang umiitim ang leeg o kili-kili kahit pa sabihing babae ang magiging anak nila. Pero siya, pramis walang-wala. Tiningnan ko pang maigi ha nang makasabay ko siya sa Bambbi Fuentes Salon last Friday dahil baka naman natatago lang ng make-up, pero wa talaga.

“Kasi kahit naman ang mama ko wala talaga siyang mga mark kahit nanganak siya,” banggit naman ni Mrs. Dantes habang inaayusan ni Bambbi sa kanyang shop sa Timog Avenue (98 Timog Ave. Cor. Sct. Ybardolaza, Quezon City). So nasa lahi pala.

Hindi na rin siya bumili ng maternity dresses. From extra small, nagpalit lang siya ng size, medium na siya.

At dahil lumalaki na ang baby sa tummy, lagi raw siyang gutom. As in medyo tumakaw na siya.

Pero maingat na maingat siya. Kahit ang inilalagay na spray net ni Bambbi ay binabantayan niya. Halos ayaw niyang magpalagay. May chemicals kasi ang spray net so ibinabawal ito sa mga buntis.

Nag-guest siya sa Eat Bulaga noong Biyernes para sa promo ng bago niyang programang Sunday PinaSaya.

Samantala, si Marian na yata ang may pinaka-maraming fans na super active sa social media. Grabe as in, pag nag-upload ka talaga ng photo niya ipakikita nila ang suporta sa pagla-like sa ipinost mo.

Samantalang ang ibang artista, dedma ang fans.

No wonder mahal na mahal sila ni Marian.

Pekeng Lolit Solis nanghaharbat na rin?!

Malakas din ang loob ng poser ni Nay Lolit Solis sa Facebook ha. Tuloy ang pag-o-operate niya ng pekeng account ni Nay Lolit.

May mga shout out pa siya at may ibang napepeke pa rin at panay ang comment. ‘Yun siguro ‘yung bibihirang mag-log in sa Facebook kaya wala silang malay na ‘kawatan’ ang may hawak sa FB account ng beteranang TV host at PSN/PM colum­nist. Ito ang last na shout out ng pekeng Lolit “Mahalin at bigyan mo ng atensyon hanggat nasayo pa, Baka winawasak nang ibang breezyboy yang gf mo di mo pa rin nalalaman dahil sa sobrang busy mo sa ibang bagay...” Ang layo sa character niya huh.

Maging sa Twitter ay tuloy din ang pagkakalat ng poser ni Nay Lolit at may ilang artista pa ring naniniwala kahit ilang beses na niyang inuulit na wala siyang kamalay-malay sa social media at wala siyang planong matuto dahil makakaabala lang ‘yun sa buhay niya.

Ang isang ipinag-aalala niya ay baka mabawasan na ang mga nagreregalo sa kanya dahil baka  nanghihingi na rin ang mga poser niyang ito sa social media.

So ang panawagan niya, ‘wag paloko sa guma­gamit ng pangalan niya.

Isa itong malaking panlilinlang. Umaasa siyang mahuhuli ang gumagamit sa pangalan niya.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BAMBBI

BAMBBI FUENTES SALON

EAT BULAGA

FACEBOOK

MRS. DANTES

MRS. MARIAN RIVERA DANTES

NAY LOLIT

NIYA

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with