^

PSN Showbiz

Dawn ayaw makisawsaw sa pulitika!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Kahit abala sa kabi-kabilang proyekto si Dawn Zulueta ay sinisikap naman daw ng aktres na maging ulirang ina sa dalawang anak at mabuting asawa kay Anton Lagdameo. “I know it can really be tough so as much as possible talaga what is saving me is time management. So I guess you need to keep the balance talaga,” bungad ni Dawn.

“You have to make sure talaga na you still have time for the kids. And that’s tough, being a working mom and both parents work. But it’s the kind of challenge and balance that I work for and strive for,” dagdag ng aktres.

Samantala, hindi raw kailan man sumasagi sa isip ni Dawn na pasukin din ang pulitika katulad ng ibang artista. “No, none at all. I have no interest in politics,” giit niya.

Mas pipiliin na lamang daw ni Dawn na magsilbi sa kanyang pamilya at pagbutihin pa ang pagiging aktres. “I’m happy where I am because I don’t have time for anything else. When I’m free, I’m with my children, to venture, I don’t have time for it so I’ll just focus on the kids,” nakangiting pahayag ni Dawn.

Wendell katawan pa rin ang puhunan sa career

Kapamilya na rin ngayon si Wendell Ramos. Napabilang na ang aktor sa teleseryeng Pasion de Amor na pinagbibidahan nina Jake Cuenca, Joseph Marco, Ejay Falcon, Arci Muñoz, Ellen Adarna, at Coleen Garcia. Nakilala bilang hunk actor si Wendell pero hindi naman daw siya nababahala na napasama ngayon sa programang marami ring sexy actors. “I have to face the fact that I’m not getting any younger anymore. Pero sa akin hindi big deal ‘yon. Ang ginagawa ko na lang I do my best at kung ano ang kinakailangan to stay fit,” paliwanag ni Wendell.

Gusto na lamang daw ng aktor na magsilbing inspirasyon sa mga nakababatang mga aktor na kanyang kasamahan sa serye. “Ganoon na lang ‘yung iniisip ko na maging good example sa mga bata at kung ma-pressure man sila at least in a positive way at hindi ‘yung para yabangan sila. At least mas lalo silang magte-training kasi pareho lang ang katawan namin,” giit ni Wendel.

Masayang-masaya ang aktor ngayon dahil sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng ABS-CBN. “Ngayon lang ako gumawa ng ganitong soap. Sobrang challenging din kasi alam natin na may nawalang characters tapos bigla akong pumaosk dito. Siguro ibinigay sa akin ang character na ito hindi para magpakita ng katawan lang kung hindi siguro ay dahil sa nagtitiwala din sila sa kakayahan ko which I’m very glad and thankful dahil it’s a good blessing for me. Ako ang maibibigay ko lang na assurance is ‘yung gawin ko lang ng tama ang trabaho ko at hanggang sa makakaya ko ay gagawin ko,” pagtatapos ng aktor. 

Reports from JAMES C. CANTOS  

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANTON LAGDAMEO

ARCI MU

COLEEN GARCIA

DAWN ZULUETA

EJAY FALCON

ELLEN ADARNA

JAKE CUENCA

STRONG

WENDELL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with