^

PSN Showbiz

Trip to HK ni Max naunsyami!

Joe Barameda - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi na pala itinuloy ni Max Collins ang balak na Hong Kong trip nitong Holy Week. Naiba ang kanyang  plano dahil na rin sa kanyang work sche­dule. “Hindi matutuloy [ang Hong Kong], kasi may trabaho pa ako. Hindi ko alam kung kailan matutuloy ‘yun pero in the future na lang,” kuwento ng Kapuso star nang makausap namin sa set ng Bubble Gang.

Plano na lamang umuwi ni Max sa Kalibo, Aklan para bisitahin ang kanyang Lola at iba pang kamag-anak pagkatapos ng kanyang taping ngayong Linggo.

Sa kasalukuyan ay napapanood si Max Collins sa Kailan Ba Tama Ang Mali?

Juancho type si Julie Anne

Nakilala ang GMA Artist Center talent na si Juancho Trivino sa larangan ng comedy dahil sa kanyang current gag show na Bubble Gang. Masaya naman ang binata sa patuloy niyang pag-i-improve sa pagpapatawa sa tulong ng mga beteranong comedian na nakakasama niya rito.

Nang tanungin namin siya kung may iba pa siyang gustong gawing showbiz project, sinagot ng Kapuso actor na nais niyang gumawa ng action or heavy drama.

If ever mabibigyan siya ng chance, gusto niya sanang maging ka-love team ang Asia ’s Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose. “Nagagalingan talaga ako sa kanya. At  magaling din siyang umarte,” paliwanag ni Juancho.

Samantala, masusubaybayan na ang love team nina Juancho at Ash Ortega sa InstaDad na magsisimula ngayong Linggo, Abril 5, 4:30 p.m. Makakasama nila rito sina Gabby Eigenmann, Matet de Leon, Gabbi Garcia, Jazz Ocampo, Prince Villanueva at RJ Padilla.

Sampal ni Maricel kay Dingdong tinalo ng mga sampal ni Jean kay Thea

Akala ko, ‘yung katakut-takot na sampal ni Maricel Soriano kay Dingdong Dantes ang ‘di ko malilimutan. Pero heto at may kasunod pa pala na malalakas na sampal si Jean Garcia kay Thea Tolentino.

Namula raw nang todo ang mga pisngi ng kontrabida na si Ashley sa The Half Sisters sa pananampal ni Jean. Hindi naman ito ikinasama ng loob ni Thea at ipinagmamalaki pa niya na artista siyang tunay sa ginawa sa kanya.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ASH ORTEGA

BUBBLE GANG

DINGDONG DANTES

GABBI GARCIA

GABBY EIGENMANN

HONG KONG

JUANCHO

MAX COLLINS

NBSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with