^

PSN Showbiz

P-Noy nadagdagan ang problema!

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Ang dami-dami nang problema si P-Noy, du­mag­dag pa ang walang kakuwenta-kuwentang isyu na ibinibintang sa kanyang nakialam siya sa resulta sa nakaraang Bb. Pilipinas pageant na kung saan ay nanalo ang tatlong beses nang sumasali sa pageant pero hindi manalu-nalo dahil girlfriend daw siya ng pangulo ng bansa? Pati ba naman dun nasasabit si P-Noy eh ilabas muna niya ang sarili niya sa napakaraming isyu na ibini­bintang sa kanya.

Ang kaibigan kong si Veronica Samio ay hindi maipagtanggol sa mga kritiko dahil siguro narea­lize na niyang mali nga ang iniidolo niya. At hindi ito ang tipo ng nagpapakumbaba at umaamin sa mga kasalanan niya.

Ngayon, pinagbibintangan siyang nangingialam pati sa isang napaka-hindi niya dapat paki­ala­mang beauty contest na ang nanalong Bb. Pilipinas-Universe ay isang Kapamilya na si Pia Alonzo Wurztbach na umano’y girlfriend niya. Na­kita kasi silang kumakain na magkasama at agad sinabi nang may relasyon sila.

Malayo naman sigurong may katotohanan ang balita. Dahil kung may relasyon nga sila, eh hindi naman siguro ito puwedeng ilihim.

Toni walang K mang-okray

‘Yung isyu kay Toni Gonzaga bilang host ay hindi naman masasabing isyu kung ginawa niya ito during breaks. Ang mas importante ay ang mga pinagsasabi niya habang ongoing ang pageant. Nang-okray siya ng mga kandidata at maging ng judges. Out of place ‘yun at nagpapamukha ng kawalan ng paggalang. She was there just to host. Period. I’m sure pinuna siya ng mga organizers afterwards.

vuukle comment

DAHIL

KAPAMILYA

NIYA

P-NOY

PIA ALONZO WURZTBACH

SHY

TONI GONZAGA

VERONICA SAMIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with