^

PSN Showbiz

Tom, magpro-propose na kay Carla?

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ngayong Linggo isang pambihirang pagkakataon dahil muling mapapanood na magkasama sina Tom Rodriguez at Carla Abellana. At sa wakas ay malalaman na ng lahat ang katotohanan sa kanilang tinatagong “relasyon” sa hit sitcom ng Kapuso Network, ang Ismol Family.

May slam book si Majay (Carla) noong high school pa lang siya. Nakasulat doon na ang ideal man niya ay tall, dark and handsome. Kaya medyo malungkot si Jingo (Ryan Agoncillo) dahil isa lang sa tatlong katangian ang meron siya…ang handsome.

Malalaman din ni Jingo na ang first love ni Majay ay si Mac-Mac (Tom) at naging boyfriend din niya ito. Pero isang araw dumating si Mac-Mac at niyaya sina Jingo at Majay na kumain sa labas.

Pinilit ni Jingo na si Majay na lang ang sumama kay Mac-Mac na mag-lunch. Pero tinamaan na naman si Jingo ng selos at sumunod. Nakita niya si Mac-Mac na parang nagpo-propose kay Majay. Katapusan na ba ito ng pagsasama ng bida nating sina Jingo at Majay?

Mapapanood ang Ismol Family tuwing Linggo ng gabi, 6:45PM pagkatapos ng Vampire Ang Daddy Ko sa GMA.

Enchong, Nash, Jason, Daniel at Janella ilalagay sa hot seat si Kuya Kim

Nagbabalik ang partner-in-crime ni Kuya Kim na Tandang Pananong nga­yong Linggo (Marso 15) sa Matanglawin.

Ilalagay sa hot seat nina Enchong Dee, Daniel Matsunaga, Nash Aguas, Jason Abalos, at Janella Salvador ang Trivia King sa pagtatanong ng mga katanungang tulad ng kaugnayan ng kulay sa lasa ng pagkain, kung nanana­ginip ba ang mga bulag at kung may katotohanan ba ang five-second rule kapag nahulog natin ang kinakain natin.

Iikot din sila sa kamaynilaan para sagutin ang iba pang mga tanong tulad ng kung bakit nakakagaan sa pakiramdam ang pagkamot at kung bakit nahihilo tayo pag paikot-ikot.

Samantala, hahamuning muli ang madlang pipol sa labanan ng pagbigkas ng mga tongue-twister. Ibibigay din ni Kuya Kim ang kanyang paliwanag sa kontrobersyal na black at blue o white at gold na damit na mainit na pinagdebatehan ng netizens noong nakaraang mga Linggo.

vuukle comment

CARLA ABELLANA

DANIEL MATSUNAGA

ENCHONG DEE

ISMOL FAMILY

KUYA KIM

LINGGO

MAC

MAC-MAC

MAJAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with