^

PSN Showbiz

Regine balisa habang nagko-concert, anak na si Nate isinugod sa hospital dahil sa pagsusuka

Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Buong maghapon nagsuka at masama ang pakiramdam ni Baby Nate noong Biyernes.

Parehong nataranta sina Ogie at Regine Alcasid sa pagkakasakit ng anak.

Si Regine ay may first night ng matagumpay na two-night Valentine concert na Ultimate at ang kasabihan nga sa showbiz, “the show must go on” kaya naman kahit tensiyonada, kinailangang mag-show pa rin ng nanay ni Baby Nate.

Si Ogie na ang nagdala sa anak sa isang ospital sa Makati City.

Humiling ng dasal si Ogie para sa kaagad na pagbuti ng pakiramdam ng anak at nang bandang 9:00 p.m. ay okay na raw ang pakiramdam nito.

Dahil sa pagkakasakit ng anak, hindi na nakapanood ng Ultimate noong Biyernes si Ogie at kagabi naman, special guest sila ni Piolo Pascual sa Music Museum show ni Zsa Zsa Padilla, kaya hindi rin siya nakapanood uli ng nasabing concert.

Kung magkakaroon ng repeat ang Ultimate ay saka lang makakapanood si Ogie.

Si Regine naman, napansin na balisa kapag nasa backstage ng Ultimate dahil nagwo-worry sa kalagayan ng anak.

Pagkatapos ng concert, nagmamada­ling umalis si Regine para puntahan ang anak na naka-confine sa ospital.

Samantala, manonood naman si Regine ng MuSIKATin concert ni Ogie sa Philippine Arena, kahit nga hindi nagawang makapanood ng mister sa concert ni Song Bird.

Excited si misis sa concert na ‘yon ni Ogie. Sabi nga pala ni Ogie, hindi magge-guest si Regine sa MuSIKATin, pero manonood ito.

Produ ng concert ni AiAi umiiwas sa isyu

Nang magsalita si AiAi delas Alas noong Huwebes tungkol sa desisyon niyang huwag ituloy ang kanyang Ai Heart Papa concert sa Solaire Resort & Casino, naka-text ko pa ang Comedy Concert Queen tungkol sa producer ng kanyang concert na si Jacob Fernandez.

Nabanggit ko kay AiAi na sinubukan kong tawagan si Jacob, pero hindi ito sumagot dahil nasa meeting daw.

Nangako sa akin si Jacob na tatawag kapag natapos ang kanyang meeting, pero wala naman akong tawag na natanggap mula sa controversial concert producer at manager ni Faith Cuneta.

Noong Biyernes ng gabi, tinext ko si Jacob at sinumbatan dahil hindi naman siya tumawag para magpaliwanag tungkol sa mga reklamo sa kanya ni AiAi at dahilan para hindi matuloy ang nabanggit na concert.

“Hi, Jun, alam m naman kung gaano kita kamahal, pero hindi ko talaga keri mga ganitong isyu. Pasensya ka na. Basta ang statement ko, humingi ako ng sori kay Ms Ai Ai , sana ay mapatawad niya ako sa aking pagkukulang. Sana someday magkaayos kami at muling mapagbigyan niya,” text ni Jacob sa akin.

“So, inaako mo ang lahat ng fault?” text ko kay Jacob.

“Jun, mahal na mahal kita. Ikaw na bahala kung ano makakabuti para sa aming dalawa ni Ai Ai. Sana matulungan mo din ako malagpasan itong pagsu­bok sa akin. Salamat, Jun!” text uli ni Jacob.

vuukle comment

AI AI

AI HEART PAPA

BABY NATE

BIYERNES

COMEDY CONCERT QUEEN

CONCERT

OGIE

SI REGINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with