^

PSN Showbiz

Sarah hindi naghihintay ng Valentine gift, tama na raw ang pagmamahal at pag-iintindi!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Malaking bagay daw ang pagkakaroon ng love life ni Sarah Geronimo kaya napananatili ng aktres ang magandang aura. Maganda raw na mayroong mga tao na nagsisilbing ins­pirasyon sa araw-araw niyang mga ginagawa. “Opo naman. Ito ‘yung mga taong nagtitiwala sa akin nang ganito kalaki. Si­yem­pre unang-una pamilya, ‘yung special someone, ‘yung trabaho, passion for music,” nakangiting pahayag ni Sarah.

Ngayong araw ng mga puso ay inamin ng dalaga na ito na ang pangalawang taon na nagdiwang sila bilang magkasintahan. “Okay naman, nakapag-ce­le­brate naman pero hindi yata sa 14 din. Wala naman pong plano kasi pareho po kaming may trabaho. May live po kami for The Voice,” pagbabahagi ni Sarah. “Sa akin ang importante lang na Valentine gift is pagmamahalan, pag-iintindi, ‘yun lang sa akin,” dagdag pa ng Popstar Princess.

Samantala, napag-uusapan na rin daw nina Sa­rah at Matteo ang tungkol sa pagpapakasal. “Si­yem­pre napag-uusapan po pero siyempre alam naman naming pareho na marami pa kami kaila­ngang ayusin sa sarili namin. Mas­yadong maaga pa para diyan, marami pa kami kailangang pagdaanan,” pag­tatapat ng aktres.

Kahit parehong abala ang mag­kasintahan ay talagang gu­ma­­gawa raw sila ng paraan upang magkita at magkasama. “Din­ner, minsan nagmu-movie. Basta alam mo naman sa sarili mo kung paano balansehin na nagkita kayo this day, tomorrow, ilang araw pamilya. Scheduling, importante ‘yan,” paliwanag pa niya.

Iñigo sobra ang pasasalamat sa pelikula nina Kathniel

Sobrang pasasalamat ang nararamdaman nga­yon ni Iñigo Pascual dahil nakasama siya sa pelikulang Crazy Beautiful You na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.It’s an honor to be working with them po. I’m very thankful that I’m part of their partnership,” bungad ni Iñigo.

Kasama rin sa nasabing proyekto ang mga beteranong artista katulad nina Lorna Tolentino at Gabby Concepcion.At first I was really nervous to work with them pero no’ng nakita ko na ang set, sobrang happy. Kaya nga nadalian ako makisama. They were very kind and generous, so it was very easy,” kwento ni Iñigo.

Ayon pa sa anak ni Piolo Pascual ay ibang-iba raw ang ginawa niya ngayon kumpara sa nauna niyang mga pelikula. “I felt like it will be a challenge since it’s my third movie and first movie with Star Cinema. It’s something different. I think mas malaki ang pressure sa akin ngayon kaysa doon sa Relaks, It’s Just Pag-ibig. Challenge po siya,” pagtatapos ng binata.

Mapapanood na sa mga sinehan ang Crazy Beautiful You simula Feb­ruary 25.                                    Reports from JAMES C. CANTOS 

vuukle comment

CRAZY BEAUTIFUL YOU

DANIEL PADILLA

GABBY CONCEPCION

JUST PAG

KATHRYN BERNARDO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with