^

PSN Showbiz

Valentine gift na bracelet ni Ogie kay Regine milyones ang halaga?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Uso sa presscon ng Valentine concert ang nagbibigay ng sample ng kanilang repertoire ng a capella. Nangyari ito sa presscon ng Ultimate at muling nangyari sa presscon ng MuSIKATin (Musikang Sikat sa Atin).

Nag-duet sina Ogie Alcasid at Vernie Varga, solong kinanta ni Verni ang Kahit Isang Saglit at nag-duet din sina Ogie at Mr. Ryan Cayabyab, pero Yesterday ng Beatles ang kinanta at may comedy Tagalog interpretation si Ogie. Suggestion ng press, isama nila sa repertoire ‘yun, pero sina Ogie at Michael V ang gagawa.

Nag-start nang mag-rehearse sina Ogie sa concert na puro OPM songs ang kasama sa repertoire. Magaganap ang concert sa February 20, 8 p.m., sa direction ni Paolo Valenciano at si Maestro Ryan bilang musical director .

Ipinangako ni Ogie na magiging proud ang mga Pinoy na manonood ng concert na marinig ang sarili nating musika sa venue na ipagmamalaki rin natin dahil considered the biggest dome in the world ang The Philippine Arena.

Sana, madagdagan pa ang performers dahil sina Hajji Alejandro, Rey Va­lera, Lovi Poe, Solenn Heussaff, Gloc 9, Jett Pangan, Brisom Band, Angeline Quinto, at Vernie Varga lang ang performers.

Tickets to the concert are available at SM Tickets at sa ticketron ng Phil. Arena. Call 470-2222 for more information.

Tinanong pala namin si Ogie kung ‘yung pinost ni Regine Velasquez na Infinity bracelet sa Instagram (IG) ay ang Valentine’s Day gift niya sa asawa. Oo raw, pero mura lang daw ‘yun, P10-M lang, biro nito.

Regine mga ‘kalaban’ na sa Valentine ang ipinu-promote

Nakakatuwa si Regine Velasquez dahil kahit ang katapat na concert ng Ultimate ay pino-promote kabilang ang February 13 concert ni Jennylyn Mercado. Sabagay, wala nang dapat ikabahala sina Regine, Martin Nievera, Gary Valenciano, at Lani Misalucha dahil sold out na ang tickets nila sa Feb. 13 & 14 concert nila sa MOA Arena.

Pahirapan na nga ng tiket at na-i-stress na si Jun Lalin sa rami ng humihingi ng complimentary tickets, pero wala siyang maibigay. Kahit siya, production pass na lang ang gagamitin para makapasok sa venue. Tama ang sinabi ni Regine, kung kailan last day, saka bibili ng tiket ang gustong manood.

Robin hindi na makapagpigil ng galit sa mga pulitikong pumapapel at sa pagtaas ng gasolina

Clap! Clap! Clap! kay Robin Padilla na matapang na nag-post sa Instagram (IG) ng kanyang saloobin sa pagtaas ng presyo ng gasolina. Kasama niyang pinost ang logo ng oil company gaya ng Shell, Petron, Seaoil, Caltex, at Flying V.

Post ni Robin: “Capitalism never fails to surprise me...just like a stealthy strike of a robber in the dead of the night. Nothing really changes in this country of mine. WHILE we are again busy fighting each other, and our leaders having the time of their political careers, posing, enjoying, maximizing the MEDIA drama mileage, continuously sacrificing and scolding our Uniformed Men of Honor like little children, the Oil Giants drop the deadliest of all BOMBs. Gasoline increase that affects all prices, everything that is a necessity tsk tsk tsk.

“Hindi pa nga ako masaya sa ibinaba ng gasoline noong Enero dahil sa napakalaking pagbaba ng barrel ng langis sa world market at bumawi na kaagad ang mga kapitalista. Kaawa-awang mga Pilipino.”

Ang dami naming nalalaman sa IG si Robin, kaya isa sa favorite namin itong bisitahin. Isa sa maraming nag-likes ay sa posted video ng paghatid ni Mariel Rodriquez-Padilla sa NAIA Terminal kina Liezel at anak nilang si Ali.

Ang caption ni Robin sa video ay “This is what happens when a TRUE Muslim @amreenzel and a TRUE Christian @marieltpadilla embraces each other.#LOVEPEACE.”

Jennylyn at Dennis huli na nagkakantahan!

Wala munang taping ng Second Chances bukas si Jennylyn Mercado dahil sa concert niyang Oo Na! Ako Na Mag-isa Kaya Samahan N’yo Naman Ako! sa SM North Skydome. Panay ang rehearsal ng aktres at nakunan silang nagpa-practice ni Dennis Trillo.

vuukle comment

AKO NA MAG

ANGELINE QUINTO

BRISOM BAND

CONCERT

DENNIS TRILLO

JENNYLYN MERCADO

OGIE

REGINE VELASQUEZ

VERNIE VARGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with