^

PSN Showbiz

Kris iiwas muna sa bashers, magbi-birthday sa Japan

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Birthday ni Kris Aquino sa February 14, pero dahil lilipad sila ng mga anak na sina Josh at Bimby sa Japan sa nasabing petsa, sa Friday, Feb. 13, may anticipated mass para sa kanyang birthday. Nagustuhan nina Josh at Bimby ang Japan, kaya babalik silang mag-iina roon.

Hanggang Feb. 21 sa Japan sina Kris para sa kanyang birthday vacation. Makakapamasyal sila ng mga anak at makakapagpahinga sa mga ba­sher, ito ay kung hindi muna siya magpo-post sa Instagram (IG). Kaya lang, mas marami siyang fans na nagre-request lagi ng update sa kanya.

May nabanggit pala si Kris na bagong show niya sa ABS-CBN, hanggang doon lang ang sinabi. Wala itong binanggit na title ng show, kung ano ang concept at kung kailan magsisimula, basta this year na raw ito.

Elmo natuwa Janine never daw magpo-pose ng sexy sa men’s mag

By now, nakahanap na siguro si Elmo Maga­lona ng perfect place na “far from the crowd” kung saan nila isi-celebrate ni Janine Gutierrez ang first Valen­tine’s Day nila as a couple. Gusto nito ng private place, ‘yung hindi maingay para nakakapag-usap sila ng maayos.

Ayaw pala sabihin nina Elmo at Janine ang exact date kung kailan sila naging couple, basta malapit na nilang i-celebrate ang first anniversary nila. Tama nang inamin na nilang couple sila at very open sa kanilang relasyon. 

Nag-ala-Slumbook question kami kina Elmo at Janine by asking them “What is love?” para swak sa V-day?

Sagot ni Elmo: “Love is an understanding bet­ween two people.” Ang sagot naman ni Janine na in fairness, pinag-isipan ng ilang minutes ay “Love is when you put someone else’s happiness over you.”  

 Very proud pala si Elmo sa mga cover ni Janine sa glossy magazines at ang latest ay sa Metro Magazine kasama ang ilang young actresses. Pero ayaw ni Elmo na mag-cover ang GF sa FHM at sa ibang men’s magazine. Ibang usapan daw ‘yun dahil conservative siya. Mukha namang natuwa si Elmo sa sagot ni Janine na “wala akong balak.”  

Anyway, malapit nang matapos ang More Than Words na pinagtatambalan nina Elmo at Janine.

JC ipinakilala si LJ sa pamilya?

Bakit kaya hindi pinost nina JC de Vera at LJ Reyes ang picture nilang magkasama sa kani-ka­nilang Instagram (IG) accounts? Ganoon pa man, kumalat pa rin ang picture nila sa social media kasama ang ilang kaibigan ng aktres.

Dinala ni JC sa The Burgery (The Bad Boys of Burger) si LJ at friends nito. Co-owner ang aktor ng resto na nasa Parañaque.

Malapit ang bahay nina JC sa resto, dinala rin kaya niya si LJ sa bahay nila para ipakilala sa kanyang pa­rents?

Samantala, isa si JC sa guest ni Ai Ai delas Alas sa February 12 concert nito sa The Theater ng Solaire Resort and Casino. Nag-rehearse na si JC at nag-post na ng pictures sa IG at marami na ang likes nito. Sabi nito, pagbigyan siya dahil once in a lifetime experience ang masama sa concert ni Ai Ai. Inimbita kaya ni JC si LJ?

Tropa ng EOP magpapatawa sa concert ni Jennylyn!

May reunion ang cast ng English Only, Please sa February 13 concert ni Jennylyn Mercado billed Oo Na! Ako Na Mag-isa Samahan N’yo Naman Ako! dahil hin­di lang sina Derek Ramsay at Kean Ci­priano ang guests ni Jennylyn Mercado.

Kasama rin sa guests ni Jennylyn sina Cai Cortez at Jerald Napoles na kabilang sa nagpatawa sa mga nanood ng nabanggit na pelikula. Lalo na si Jerald na kahit isang eksena lang, sobrang nakakatawa ang punchline at pagpapakita ng abs na tumatak sa tao ang eksenang ‘yun.

Guests din sina Dennis Trillo, Mark Herras, Nico Antonio, at Gloc 9.

February 13 is Friday, schedule ng taping ng Second Chan­ces, pero dahil sa concert. Either wala munang taping si Jenny­lyn o totally walang taping ang series. Matutuwa ang fans to see Raymart Santiago, Rafael Rosell and Camille Prats na ma­nonood ng concert.

 

vuukle comment

AI AI

AKO NA MAG

BAD BOYS OF BURGER

BIMBY

CAI CORTEZ

ELMO

JANINE

JENNYLYN MERCADO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with