^

PSN Showbiz

Para makita si Pope, Ali Sotto walang nagawa nang itulak-tulak at ibalya-balya!

SEEN SCENE - The Philippine Star

SEEN : Ang hamon ng kapatid ni Freddie Aguilar na si Marlene Aguilar sa mga tao na bumabatikos sa kanya dahil sa mga paninira niya kay Pope Francis:

“Kayong mga sumasamba, alam kong galit na galit kayo sa akin dahil sa mga sinabi kong personal na opinyon laban sa kanya kaya bibigyan ko kayo ng pagkakataon na makaganti sa akin.

“Hinahamon ko ang nakararami sa inyo na harapin ako at labanan ako ng MMA sparring UFC style sa Elorde gym.

“Pag naitumba ko kayo in one round, muli niyong yakapin ang paniniwala ng mga ninuno ninyo.

“Kung buo ang paniniwala ninyo sa Diyos, dapat buo ang loob niyo na harapin ako. Huwag kayong matakot dahil sasagipin kayo ng inyong Diyos.

“Kaya kong harapin sa MMA sparring ang sampung tao sa isang araw basta nasa 100 lbs sila hanggang 125 lbs. ‘Yung mas mabibigat e i- schedule natin matapos kong itumba ang isang libo sa inyo. Pagkakataon niyo na po tong makaganti.

“Ayan, sana paunlakan ninyo ako para mapatunayan niyo sa sarili ninyo na buo ang pananampalataya ninyo sa Maykapal. Sa Elorde Gym Katipunan ko po i- schedule ang laban. I- pm niyo lang ako, para maayos natin kung kailan tayo magsisimula.”

SCENE : Hindi pinatulan ng mga defender ni Pope Francis ang hamon ni Marlene Aguilar. Ipinaubaya na lamang nila sa Diyos ang kapalaran ni Ma­rlene, ang ina ng erstwhile actor na si Jason Ivler na nakakulong hanggang ngayon dahil sa  kaso ng pagpatay sa isang road rage incident.

SEEN : Nakaranas kahapon ng panunulak at pambabalya si Ali Sotto nang pumunta siya kahapon sa UST dahil sa dami ng mga tao na gustong makadalo sa Encounter with the Youth ni Pope Francis. Ito ang karanasan ni Ali:  Two hours of pushing and shoving to get into Gate 6 of UST. Total chaos. Absolutely no crowd control. This inspite of my media ID. The reporter with me who has covered the Black Nazarene rites say what we went through was worse.

SCENE : Hindi naranasan ni Jamie Rivera ang nangyari kay Ali Sotto dahil natulog siya sa UST noong Sabado ng gabi. Muling nag-perform si Jamie sa Encounter with the Youth ni Pope Francis na ginanap kahapon sa UST.

SEEN : Magkakasabay at magkakasunod na magsisimula ngayon, January 19, ang mga bagong programa ng TV5 (Healing Galing, Happy Wife, Happy Life  at Solved na Solved)  at ABS-CBN  (Oh My G!, Flordeliza, at Nasaan Ka Nang Kailangan Kita ).

vuukle comment

ALI SOTTO

BLACK NAZARENE

DIYOS

FREDDIE AGUILAR

MARLENE AGUILAR

POPE FRANCIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with