^

PSN Showbiz

KC at Paulo nanganganib maghiwalay!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pagpapahalaga sa pamilya at importansya ng pagpapatawad ang ituturong aral ng award-winning actors na sina KC Concepcion at Paulo Avelino ngayong Biyernes (Enero 16) sa pagtatapos ng Pasko-serye ng ABS-CBN na Give Love on Christmas Presents Exchange Gift.

Sa kabila ng pagsisikap ng anak nilang si Jacob (Miguel Vergara) na panatilihing buo ang kanilang pamilya, mas titindi ang gulo sa pagitan nina Christian (Paulo) at Anna (KC) lalo na ngayong itutuloy na ng mag-asawa ang plano nilang maghiwalay.

Ano pa ba ang magagawa ni Jacob upang mapigilan ang tuluyang pagkasira ng kanilang pamilya? Matutuldukan na nga ba ang relasyon nina Anna at Christian, o maibabalik pa ba nila ang tamis ng kanilang pag-iibigan? Sa huli, maisasantabi ba nina Anna at Christian ang kanilang mga hindi pagkakain­tindihan para sa kanilang kaisa-isang anak?

Ang Give Love on Christmas ay binubuo ng tatlong kwento na iikot sa pamilya, relasyon, at pag-ibig. Kabilang dito ang kwentong Exchange Gift nina Paulo at KC, The Gift Giver nina Eddie Garcia, Aiko Melendez, Dimples Romana, Carlo Aquino at  The Gift of Life  nina Gerald Anderson at Maja Salvador.

vuukle comment

AIKO MELENDEZ

ANG GIVE LOVE

CARLO AQUINO

CHRISTMAS PRESENTS EXCHANGE GIFT

DIMPLES ROMANA

EDDIE GARCIA

EXCHANGE GIFT

GERALD ANDERSON

GIFT GIVER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with