^

PSN Showbiz

Kasalang Dongyan pinag-uusapan pa rin!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Alam mo, Salve A., kahit isang linggo nang tapos ang tinaguriang Royal Wedding nina Mr. & Mrs. Dingdong Dantes, mainit pa ring pinag-uusapan ang kanilang pabolosong wedding na ginanap sa Immaculate Conception Cathedral sa Cubao, Quezon City nu’ng December 30, 2014.

Puwedeng i-consider ang kasal nina Dingdong at Marian na pinakamaganda, most expensive, most elegant, and most organized wedding na ginanap sa Pilipinas.

It was like a fairy-tale-like-wedding na mananatiling pangarap at aasamin ng bawat bride and groom-to-be at ang maganda sa lahat, ito’y ibinahagi ng new couple hindi lamang sa kanilang mga mahal sa buhay at malalapit na mga kaanak at mga kaibigan kundi maging sa kanilang mga tagahanga at sa publiko na rin in general. After all, naging saksi ang publiko at ang kanilang mga tagahanga sa kanilang pag-iibigan.

Mane dalawang ex ang ‘binalikan’

Maraming taon ang binilang bago muling magkatrabaho sina Manilyn Reynes at Janno Gibbs, at ito’y nangyari sa nagtapos na serye ng GMA, na MY BFF. Reunited naman ngayon si Manilyn sa isa pa niyang ex na si Keempee de Leon sa bagong serye ng Siyete na Once Upon A Kiss.

Sina Mane (Manilyn) at Kimpoy (Keempee) ay huling nagkatrabaho sa isang episode ng MMK (Maalaala Mo Kaya) kung saan sila gumanap na tomboy at bakla na nagka-inlaban.

Magkakasama dati sa youth-oriented program ng GMA na That’s Entertainment sina Manilyn, Janno, at Keempee pero nag-end-up si Manilyn sa isa pa nilang kasamahan na si Aljon Jimenez at mahigit dalawang dekada na silang mag-asawa ngayon. Ang pagsasama ng nila ay biniyayaan ng tatlong anak na lalaki – sina Kyle (18), Kirk (12) at bunso na si Kael (3).

Alonzo nanaba, na-miss ang best friend na si Ryzza Mae

Dahil sa long holidays, bahagyang tumaba ang bagong child star na si Alonzo Muhlach nang ito’y aming makita last January 3 sa grounds ng El Niño Condominium in Cubao, Quezon City. Na­padaan kami sa building (kung saan din sila naka­tira) sa condo building na pag-aari ng kanyang amang si Niño Muhlach para bumili ng masarap na Muhlach Enzaymada na dadalhin sa Japan ng anak kong si Aila Marie at para na rin makita ni Aila ang kanyang cute at bibong kinakapatid na nagbigay pa sa kanya ng souvenir na “Will You Be My Alonzo Forever” pillow. Tuwang-tuwa siyempre si Aila kay Alonzo at dinala pa niya sa Japan ang pabaon na unan sa kanya ng bagong child star.

Alonzo is seen to be busier this year at hindi nito ikinakaila na nami-miss niya ang itinuring niyang best friend na si Ryzza Mae Dizon na nakasama niya sa My Big Bossing movie at sa sarili nitong show na The Ryzza Mae Show.

vuukle comment

AILA

AILA MARIE

ALJON JIMENEZ

ALONZO

ALONZO MUHLACH

KEEMPEE

MANILYN

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with